BAGUIO CITY
Bilang pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa Anti-Human Trafficking Awareness Month, ang Commission on Filipino Overseas (CFO) ay lumilibot sa iba’t–ibang rehiyon ng bansa upang magbigay ng kaalaman tungkol sa human trafficking at sa ginagawa ng ahensya. Ang buwan ng Hulyo ay National Anti-trafficking in person awareness month sa ilalim ng Proclamation No.1180, na naglalayon na mapatibay pa ang awareness ng mga Pilipino tungkol sa trafficking at makapagbigay ng serbisyo lalo na sa mga vulnerable communities.
Sinabi ni Janet Ramos, officer-in-charge ng Supervising Emigrant Services Office, na ang Middle East ang madalas na nakakatanggap sila ng reported cases ng labor exploited ng mga Pilipino. Ang CFO ay nagbibigay serbisyo para sa mga Filipino na permanenteng naninirahan sa ibang bansa, tulad ng mga na petition ng ng kanilang pamilya sa ibang bansa, o nag-self petition at mga nakapag-asawa ng foreign nationals na nabigyan ng immigrant visa.
Dagdag pa ni Ramos, isa sa mga problema na binibigyang pansin ng ahensya ay ang pag handle ng welfare cases tulad ng in distress filipino emigrants at exploitation. “Iyong mga na encounter naming problems is usually mga
Flipinos who are getting married to foreigners whom they have never meet yet” ayon kay Erlinda Pehle, Emigrant Services Officer II.
Isa rin sa mga problema na binigyang solusyon ng ahensya ang problema sa nakilala ang kanilang mga partners sa online, na 37 percent Upang masigurado ng ahensya na mayroong sapat na kaalaman ang mga Pilipino patungkol sa bansa na kanilang pupuntahan ay nagbibigay sila ng counselling programs, at kung ano ang kailangan nilang gawin kung magkaroon ng problema habang naninirahan sa ibang bansa.
“The fact na pinakamaraming Filipinos into marriage are about to marry and married to Americans, iyon po marami din po doon, Japanese at Australians that reported cases. At ang least naman po is Europe.” sabi ni Janet Ramos.
Ang ahensya ay nagsasagawa ng mga programa tulad ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) para sa mga emigrants na matagal nang naninirahan sa ibang bansa, Peer Counseling Program (PCP) para sa Filipino Youth Emigrant, Guidance and Counseling Program (GCP) para sa mga nakapag-asawa ng foreign nationals, Country
Familiarization Seminar (CFS) para sa mga Pilipino na nasa Au Pair program na papunta ng Europe at ang PDOS for US Exchange Visitor Program (EVP) para sa mga J-1 visa holders.
Ayon kay Ariel Cruz, Senior Emigrant Services Officer, ang top destination ng mga permanent migrants ay ang USA na sinundan ng Canada, Japan, Australia, Italy, New Zealand, United Kingdom, Germany, South Korea at Spain.
Batay sa nakuhang datos mula ahensya ang Cordillera Administrative Region (CAR) ay may bilang ng mga
registered Filipino emigrants mula noong 1988 hanggang 2021 ay 48,280 na mga indibidwal, at sa munisipyo naman ng Benguet ay nakapagtala ng 37,602 Filipinos. Samantala, ang CFO ay lilibot sa buong rehiyon upang mas mapalawak pa ang impormasyon tungkol sa ahensya.
Magkakaroon din sila ng opisina sa Baguio upang magbigay serbisyo para sa mga Pilipino na naninirahan sa ibang
bansa upang mabigyan ng kaalaman sa may gustong manirahan sa ibang bansa. Hinikayat din ni Ramos ang bawat mamamayan na kung may makitang suspected trafficking sa kanilang lugar na ay ipagbigay alam ito sa pamamagitan ng action line 1343 at mag email sa kanilang ahensya.
Ma. Christina C. Pendre/UC Intern
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024