Anti-smoking ordinance

May 14, 2017

Okay, aprubado na ng konseho ng Baguio ang Anti-Smoking Ordinance o “Smoke Free Baguio”! Tama na ipinagbabawal ng ordinansang ito ang paggamit, pagbebenta, distribusyon at advertisement ng mga sigarilyo at iba pang produktong tabako sa mga lugar na tinukoy at pagpapataw ng multa sa mga lumalabag. Okay pa rin dahil naka-angkla ang nasabing ordinansa sa World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control; Local Government Code of 1991; Philippine Clean Air Act of 1999; Civil Service Commission Memorandum circular (MC) 17, 2009; Land Transportation Franchising and Regulatory Board MC 2009-036; at sa Civil Service Commission-Department of Health Joint MC 2010-01, lahat ng ito ay para sa proteksiyon ng kalusugan ng publiko, lalo na ang mga hindi naninigarilyo.
Pero sandali lamang, bakit kahit may batas nang ganito ay tila wala pa ring silbi at hindi pansin ng mga adik ng sigarilyo? Kahit saan ka tumingin kapag nalingat ay may nagsisimpleng naninigarilyo, kahit nga mismong sa mga opisina ng gobyerno ay may nakikita, kahit diyan sa City Hall may lugar diyan na tambayan ng mga naninigarilyong mga personnel.
Sa dami ng titingin at magpapatupad ng smoke-free task force na pinamumunuan ni Mayor Domogan at ng City Health Services Office, Health Education and Promotion Office, City Building Office, City Legal Office, Public Information Office, Permits and Licensing, Civil Society Organization, Philippine National Police, City Treasurer, City Environment and Parks Management Office, Department of Education/Commission on Higher Education, Parents and Teachers Association, at ang Presidente ng Liga ng mga Barangay at iba pang tutukuyin ng chairperson.
Sa dami ng mga magbabantay na ito, may lulusot pa kayang hayok sa sigarilyo? Kung lubos ang pagpapatupad nito at hindi lamang ang mga multa ang iisipin ay hindi malayong magiging “Smoke Free” nga ang Baguio…sana!
May nagbulong sa akin na diyan daw sa Baguio City Hall ay tila mas malakas pa ang kapangyarihan ng ugok na ito na nakapatong sa tunay na may kapangyarihan. Ika nga sa Katagalugan eh ang langaw na nakatungtong sa kalabaw ay akala mo na kung sinong makapangayahihan.
Aba e lahat daw ng gawain ng punong ministro ay pinakikialaman, pati ang pagrekomenda sa mga lider ng departamento ay pinakikialaman at ito namang si punong tagapamahala ay tila naniniwala sa sinasabi ng “langaw “ na ito.
Di bale kako at malapit naman na ang darating na eleksyon, wag na natin yan susuportahan.

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest