Anti-Terror Bill, COVID-19 at New normal

Tapik ni Tonying

Ito ay opinyon ko lang naman at base sa mga naririnig ko sa mga opisyal ng gobyerno, mga pulis at mga madlang pipol tungkol sa opinyon din nila sa ipinasang Anti-Terror Bill na ayon sa mga ilang organisasyon ito raw ay maihahalintulad sa “martial rule” noong decada 70 (mga 2 taong gulang pa lamang ako noon).

Sa pananaw ko ay may mga taong may katwiran sa anti-terror bill at ang iba naman ay may pangamba dahil sa iniisip nila na maaring maging tool ito o paraan ng mga men in uniform na abusuhin ang nasabing batas na maari nilang hulihin at parusahan ang isang tao o ang mga tao na magsasagawa ng mga “gatherings” na may pagtuligsa sa Pangulong Duterte.

O kaya pag may nagpost sa facebook na laban sa gobyerno o sa Pangulo.

Subalit sa pakikipagpanayam natin sa isa sa mga author ng nasabing bill na si Congressman Eric Yap, ng ACT-CIS at caretaker ng Benguet Lone District sinabi niya na ang anti-terror bill ay nakapaloob dito na ito ay para lamang sa mga taong mga terorista o mga grupo na nagsasagawa ng kasamaan o lumalabag sa batas ng Pilipinas.

Subalit aniya sa mga nagrarali sa lansangan na kanilang isinisiwalat ang kanilang mga saloobin sa gobyerno ay hindi naman nangggugulo o naninira ng mga properties o nananakit ng kapwa ay hindi maitituring na terorista at kalaban ng gobyerno.

Ani Yap ang version ng Mababang Kapulungan ay hindi ini adopt ng Senado kundi ang version nila na inisponsoran ni Senator Panfilio Lacson. Subalit aniya ang usapi8ng anti-terror bill umano ay nakapokus sa mga grupo o tao na pumapaslang sa mga walang kalaban-laban na tao o mga naggsasagawa ng terrorism sa mga tao o bansa.

Ngunit iba ang pananaw ng ibang tao dahil anila binigyan ng legal na aspeto ang mga men in uniform na abusuhin ang nasabing bill upang damputin o hulihin na lang ang mga tao o indibidwal na sumasalungat sa kagustuhan ng gobyerno ni Pangulong Duterte.

Sa ganang akin lang ka Pekto ay sumunod tayo sa batas at punahin natin ang gobyerno na hindi naman tayo gagawa ng karahasan . Ika nga ni Kim Chiu ay pag bawal lumabas huwag lalabas hehehehe!!!

Sa lungsod ng Baguio naku may 5 na namang nagpositibo sa COVID-19 ano bayan talagang hindi na ata maawat ang COVID-19 na ito sa kanyang pananakop sa mga tao.

Kaya ang bilin ko sa mga tao always wear your face mask ang practice physical distancing.

At kung wala ka namang importanteng lakad sa town aba e manahimik ka sa inyon
tahanan dahil sobrang mahal magkasakit ng COVID-19 aabutin ng halos kalahating
milyon ang ipambabayad mo sa doktor at ospital.

At dahil sa COVID-19 lugi pa rin ang mga negosyo sa lunsod at maging sa buong bansa, sa La Trinidad, Benguet at Itogon binuksan na ang ilang tourists spots subalit ayon kay Mayor Romeo Salda ng La Trinidad ito ay para sa mga Taga La Trinidad muna gaya ng Itogon ito rin ang naging sagot ni Mayor Victor Palangdan.

Sa Baguio City sa buwan pa ng Setyembre bubuksan at papayagan umakyat ang mga turista. Ang tanong lang e pag umkyat ba ang mga turista e dadaan pa ba sila sa medical checkup bago mamasyal sa mga tourists spots ng syudad?

##########
Ipinapanalangin din natin ang agarang paggaling ni Kongresman Eric Go Yap ng ACT-CIS partylist at tumatayong Benguet caretaker dahil nakatangap tayo ng balita mula kay Kevin See ang kanyang chief of Staff na isinugod ng madaling araw si Kongresman Yap sa Benguet Genereal Hospital dahil sa bigla umanong nahilo at nawalan ng malay habang nasa kalagitnaan ng meeting via tele-conference sa mga national government sa pagitan ng 3:00 at 4:00 ng umaga noong June 6, 2020.

Nakikiramay din ang Amianan Balita Ngayon sa pagpanaw ng kabiyak ng ating ka batch (PCNHS batch 88) na si Emily E. Valdez na si Honorio Valdez nitong nakaraang linggo.

Dalangin namin ang inyong kapayapaan at pagtanggap sa naging kapalaran ni Honorio siya ay nasa piling na ng ating Poong Maykapal….