Apo Digong, saan ba talaga tayo patungo?

Mar 18, 2017

Yan ang mga katanungang laging pinagpipyestahan sa mga umpukan lalo na sa palengke at mga barberya at chismisan centers of the republic. Ang ano? Ano fe kundi ang tanong na: saan ba tayo talaga patungo Mr. President? Marami ang nalilito. Bakit? Aba’y ala pa tayong isang taon, ala, e, sandamukal na ang mga pangyayari. Di nga mawari eh, kung saan ga tayo paroroon kasi sala-salabat naman ang mga pinagsasabi ng mga opisyal natin. Sabi, ganire tapos babawiin at sasabihin ganire din. Ala e, tumigil-tigil siguro kayo sa mga kadaldalan ninyo at atupagin naman ninyo kami. May damdamin naman kami at hindi bulag, pipi at bingi sa mga pangyayari ga. Di ga, Mr. Freddie Aguilar? Oh, my God, bakit nasali siya? Di ga, nagbago ang lyrics ng kanta niyang Pagbabago. Ala e, sabi ng marami meron na namang nabago? Alae ey, huwag ako ang tanungin, ako’y Ilokanon samet. Wen aya. Ngem kasanon kabsat, adda aya nagbaliwanen ti Pilipinas? Adu: Whattt? Wen, adu a talaga. Pero uuraratin nating isa-isa hane, bago tayo magkabali-bali:

*********

Oki este, okey larga, pards. Bago ang eleksiyon, sapul ang kukute ng mga botante sa galing ng mga patutsada ni Digong, di ga? Ayos ang senaryo kasi nga dahil sa katapangan niya, mantakin mong nakakuha agad ng simpatiyang higit pa sa labing anim na milyong boto? Naman, sino nga ba ang hindi sasandal kapag ang magiging lider mo ay gaya niya? Ayon, sapul ang kartada ni botante kasi pasok sa Malakanyang ang inidolo. At ito na ang rambol ng kanyang mga sumpa. Kontra droga, kontra korapsiyon at kontra krimen. Ginagawa na po. Pero sabi ng iba, maraming sablay. Ehemplo sa droga, sabit ang maraming pulis. Inimbestigahan, kinastigo at di alam kung ano pa ang susunod sa likod ng mga napaulat na kotong, pagpatay, at maraming etsetera pa. Bulong: may narinig ba kayong kinastigo ni Digong daw ang kanyang mga pulis? Meron ba kayong narinig na minura niya talaga ang mga pulis kahit na nasumbong na nga na illegal ang ginawa? O, bakit di kayo makasagot? Baka si PNP Chief Bato pa ang sasagot. At tiyak iisa ang sagot: parurusahan natin ang nagkasala. Ayos men. Ayos na ayos. Parang gusto na naming maniwala sa likod ng maraming nag-aalangan sa mga pangako nila. Susmaryusep. Apo presidente Digong, meron nga yatang problemang dapat maitama, di ga? Kasi nga naman, may mga inambus na pulis. Nakipagdalamhati ang Digong. Nang may pulis na dawit sa pagpatay, kinabig naman. Sus ginoo sabi nila, ano ga ang nagaganap, Mr. President? Kayo raw ba yan o baka peke? Hayy buhay, pati kami tuloy naguguluhan. Sana di kami mabuwang sa kakaisip sa mga nagaganap sa ating sosyodad. Basta sunod na lang gid kami sa imong plano, sana di gid sablay.

**********

Tanong sa amin: ano ba yang Benham Rise issue na yan at gustong isalang sa Senate inquiry? Naku bago na naman yan. Akala ko Burnham Park yan, yun pala e Benham Rise. Maryunes. Ano ba kasi ire? Pards para di ka mahuli sa balita, may basbas daw si Digong sa China na magsawa ng Scuba Diving diyan para mag-research hinggil siguro kung anong karga ng lugar na yan na puwedeng pagkaperahan, este, pagka..ah, basta, ganon nga yon. Sabi ng mga magagaling na analyst: delikado raw si Digong sa ganyang usapan. Baka raw ma-impeach. Haay naku hoy, puwede bang kami namang mga nagpaupo sa inyo ang atupagin ninyo hindi yang sarili ninyong ambisyon? Aba’y talagang marami nang nagmumura sa inaasal ninyo, eh. Akala niyo siguro, bida na kayo hoy, isang boto ka lang, lagpak ka na. Kami muna bago ang bulsa ninyo, este bago kayo! Pwe! Adios mi amor, ciao, mabalos! Hooyy…

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest