Araw ng Kalayaan, Alay sa mga Frontliners

Pinangunahan nina Baguio City Congressman Mark Go, Mayor Benjamin Magalong at Bise-mayor Faustino Olowan kasama ang mga konsehal, pinuno ng ahensyang departamento at BCPO City Director PCol. Allen Rae F. Co sa ginanap na simpleng programa na pagdaraos ng Ika-122 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 2020 sa Multi-Purpose, City Hall.
Sa mga mensahe ng local officials ay iisa ang kanilang pagbati na nakatuon sa mga frontliner, malabis na pasasalamat sa mga tunay na bayani na patuloy na gumaganap sa kanilang mga tungkulin na may tapang at pagmamalasakit, bagamat ang iba ay nagbuwis na ng buhay.
Ang tema sa taong ito ay “Kalayaan 2020: Tungo sa Bansang Malaya, Nagbabayanihan at Ligtas.”
MAR OCLAMAN /ABN
 

Amianan Balita Ngayon