Araw ng mga Puso… Dama mo ba?

Daplis Walang Mintis

Sana…sa araw ng mga puso….dama natin ang tunay na katuturan ng pagmamahalan. Sana…at marami pang sana ang kinakailangang himaymayin. Kasi nga naman, nasa panahon tayo ng delubyo dahil sa Covid. Kaya…ang tanong: dama mo ba ang pana ni kupido ngayong araw ng mga puso? Sa mga damatan, sabi nila…marami ng panhon ang dumaan sa kanilang buhay hinggil sa araw ng mga puso.

Sa mga nasa katanghalian ang edad…marami pa raw silang iinuming tubig. Sa mga kabataan..maghahalukay pa lamang. At sa mga musmos…nagtatanong…ano ba yang araw ng mga pusong ito? He he…sala-salabat, hane? Pero, sa ganang amin…parang maputla (kung sa dugo) ang dating ng araw na ire. Anemic ba, pards, di ga? Ale e, sige, kabayan, bungkalin natin ang lintik na isyu ng Covid at bakuna baka sakaling maisabay tayo sa Araw ng mga Puso sa pagdadalamhati o pagbubunyi.

Nakakalungkot malaman na ireng nagmalasakit sa kaayusan ng serbisyo ng MRT na si Ginoong R. Garcia ay pumanaw na. Hindi maitatwa ang kanyang nagawa upang mapaganda ang serbisyo ng tren sa Kamaynilaan – (MRT-LRT).

Pumanaw na hindi na niya nahintay ang karugtong ng kanyang riles na nasa ilalim – Subway na maaring masimulan na sa taong ito. Ang masaklap…napabalita na tinamaan din siya ng Covid virus bago sumakabilang-buhay. Masakit at masaklap na eksena, pards.

Marami ang nagdalamhati…pero diekanso, pards. Sigaw ng marami, mas marami ang mga naghihirap na tinamaan ng Covid na namatay…pero hindi napansin. He he…pards…kaya hindi napansin, kasi hindi malaki ang kanilang pangalan sa madla. Sus ginoong walang habag…..ito na ba ang ating lipunan?

Parating na talaga ang mga bakuna. Grabe ang mga ensayo at preparasyon sa pagdating. Hanggang sa delivery nga ay may ensayo. Tsk tsk…may nasisilip na naman tayong butal, pards. Kasi sa kaeensayo.. baka pumalpak pa. O, di ba…sa nakalipas na mga halalan, may isang kandidato para presidente ang nagsimula ang kanyang eng-grandeng preparasyon. Gumamit siya ng maraming gimik…pero anong resulta? Nabutata pa rin. Yan na nga, eh. Baka naman sa kaeensayo natin sa pagdating ng bakuna kontra Covid-19…baka biglang mapiyok o matapilok sa mismong aktuhan na.

Ibig sabyan mga kabalin…baka naman sa totoong implementasyon ng bakunasyon ay puros sablay ang mangyayari? May mga ensayo na mula airport hanggang sa mga paglalagakan ng bakuna…naipakita na parang heavy-action drama. Eh, papano kaya kung may sablay sa totoong implimentasyon? Naku, ayaw na naming magkumento, pards baka tamaan pa tayo ng African Swine Flu ng baboy…ngeee!

Ito pa ang isang masaklap, pards. Di pa man dumarating ang mga bakuna…tonetonelada ang timbang ng mga putak. May mga nagpapasiklab. May mga kuntodo- banda na sasalubong. May mga nagtatago na mabakunahan. May mga nagpruprutal ding matatapang kuno na nagpapakabayani para maipakitang hindi sila takot sa bakuna….kahit sa kanilang pagkatao…simula pa nang sila’y nasa grade school ay tumatakas na sila sa turok ng karayom.

Sus, mga pards…marami pa tayong makakasalamuhang kontrobersiya hinggil sa bakunang ire. Maghintay lang. Pero dapat relax. Kami nga sa Amianan…naka-relaks lang. Tadtarin man kami ng turok, okey lang. Basta,t ang dapat…ligtas tayo. Hindi pekeng turok. Pero teka…darating pa lang kamo ang turok…eh bakit may mga ulat sa nakalipas na naturukan na sila? Sus marya…itanong na lang kay Kupido baka may natitira pa siyang pana.

Panahin nalang sila sa ngalangala. Pwe. Adios mi amor, ciao, mabalos.