Armas, isinuko sa Mountain Province

Isang barangay kagawad ang nagsuko ng isang armas sa himpilan ng Bauko police sa Mountain Province noong Nobyembre 26.
Personal na nagpunta si Abatan Barangay Kagawad David Lumsec sa Bauko MPS upang isuko ang isang cal. 38 (paltik) na walang serial number bandang 6pm.
Ang nasabing armas ay isinuko sa kagawad ng isang concerned citizen ng nasabing barangay na tumangging pangalanan para sa suporta nito sa peace and order campaign ng munisipalidad ng Bauko. Gayundin, ang isinukong armas ay resulta ng patuloy na information campaign tungkol sa Oplan Kontra Boga ng mga tauhan ng Bauko MPS, MPPMFC at RMFB 2nd Manuever Company team mula sa Babalaan, Tadian, Mountain Province na pinangunahan ni Acting Chief of Police PSI Jackson Canigong Damong.
Ito rin ay upang puksain ang mga armas na maaaring magamit sa walang habas na pagpapaputok sa nalalapit na yuletide season at maaaring malagay sa panganib ang buhay ng ibang indibidwal.
Ang isinukong armas ay nasa kustodiya ng Bauko MPS para sa dokumentasyon bago isumite sa provincial headquarter para sa tamang disposisyon.

Latest News

Amianan Balita Ngayon