Daan-daang katao mula sa iba’t ibang panig ng lungsod at lalawigan ng Benguet ang dumagsa sa Baguio City Hall noong ika-13 ng Hunyo para sa medical mission ng 14th (Cordillera Administrative Region) Regional Community Defense Group.
Ayon kay 2nd Lieutenant Hermelie Cliches, tagapagsalita ng nabanggit na unit, ang nasabing medical mission ay kaugnay ng kanilang 1st reactivation anniversary celebration na may temang “Itaguyod ang makabuluhang serbisyo para sa kapayapaan at kaunlaran ng bayan.”
Sinabi niya na isinagawa ito ng grupo hindi lamang para ipakilala sa madla ang kanilang unit kundi upang makatulong din sa komunidad.
Aniya, maliban sa medical mission, kabilang sa handog nilang mga programa ang clean-up drive at tree planting na nauna nang isinagawa sa mga probinsya ng Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mt. Province.
Nagsagawa rin ng medical mission ang 14th RCDG sa People’s Park dito sa lungsod noong Hunyo 14 habang ang iba pa nilang medical mission ay nakatakda sa Hunyo 16 sa Melvin Jones Grandstand, dito pa rin sa lungsod, at Hunyo 18 sa Provincial Capitol Hall sa La Trinidad, Benguet.
Iniimbitahan naman ni Cliches ang publiko na makilahok sa nalalapit na fun run na binuo rin ng kanilang unit. Magsisimula ang fun run sa Baguio Athletic Bowl sa Hunyo 23, ganap na ika-4 ng umaga. Aniya, ang fun run ay multi-agency activity na handog nila sa mga taga-Cordillera kaya ito ay libre.
Ang 14th CAR RCDG ay nagsimula noong Enero 13, 1994 at na-deactivate noong Hulyo 7,1998. Muli itong binuo noong Hunyo 1,2017. Ang unit ay kabilang sa reserve force, sa ilalim ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na nahahati sa limang sangay: ang Air Force reserve component, Navy reserve component, AFP-Wide, technical reserve component at ang affiliated reserves. ROMELO DUPO III, UC Intern / ABN
June 16, 2018
June 16, 2018
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025