ASUKAL, SIBUYAS, ASIN, SILI… KONTROBERSIYA????

Anak ng pink na baka…ano ba ireng nangyayari sa ating bansa? Pinagpatung-patong at pinaghalu-halong mga
kontrobersiya ang ating kahalubilo ngayon. Maski sino….sa ganitong situwasyon…aba, eh makakapagmura ka , di ba? Sa kasagsagan nga nitong umalis na bagyong si Florita, sumabay din ang karambolahan sa pagbibigay ng financial assistance sa mga mahihirap (daw) na mga estudyante.

Kesyo may pangako si Sec. Tulfo ng DSWD…balyahan na. Tuloy, humingi na ng paumanhin ang sekretaryo.
Mga ayudang nakuha ng mga pumilang miyembro ng 4Ps pinasosoli na o ikaltas sa susunod nilang ayuda. Isa
pang pagbabago ngayon, bawal na ang “walk-in” na pagkuha ng ayudang ito ng mga estudyante. Hintayin na
lamang ang mga susunod na paabiso mula sa DSWD.

Sabi ng marami…dapat lang na kilatising maigi bago malustay ang salapi ng bayan. Tapik naman ng ilang analysts: mahirap kasi ang pabigla-bigla at padalos-dalos na desisyon o pronouncement. Umalis na si Florita. Nagiwan siya ng tatlong patay at apat na sugatan ayon sa ulat ng NDRRMC. Marami ang nasiraan o nawalan ng bahay, nasiraan ng
pananim at mga sirang istraktura.

May mga paaralan pang hindi lang sa kulang sa silid-aralan, nawalan pa ng bubong. Ginagawa na ng ating pamahalaan ang lahat ng solusyon sa mga problemang iniwan ng bagyo. Dalangin nila: sana wala ng malalakas na bagyong babayo sa ating bansa dahil bayongbayo na tayo sa mga kontrobersiya. Ang pinakahuli ay ang pagtaas ng
presyo ng siling-labuyo at asin. Kung sa labuyo, dati na itong mataas. Pero teka..bakit kaya tataas eh, kakarampot
lang naman ang kinakailangan mo rito (siling-labuyo) sa pagkain, di ba? Hindi naman isang kilo ang ikakain mong sili sa isang kainan. Isa o dalawahanggang tatlong piraso, okey na. Sa asin naman…tumaas din ang presyo.

Kasi…kinukulang na rin daw ang suplay. Sus ginoo…hindi ba’t ang asin ay galing sa alat ng dagat? Anak ng asin
naman, pards. Sa ibayong dagat lalo na sa Gitnang Silangan…kaya na nilang alisin ang alat ng tubig-dagat
para sa kanilang inumin at pang-industriyang gamit. Tayo, asin na galing sa alat ng dagat…kinakapus pa? Kung
sa hoarding…imposible sabi nila dahil dito lang sa Cordillera, tambak ang silinglabuyo sa merkado ganun din
ang asin. Heto na tayo sa mga kontrobersiya sa asukal.

Anim na opisyal ng Port of Subic ang sinibak dahil sa nabuking na pagpasok sana ng sangkaterbang asukal mula Thailand. Kamakailan din, sa bisitasyon ng mga opisyal ng BOC, natuklasan nilang maraming nakaimbak na asukal sa mga bodega sa Bulacan at karatig-lugal. Kamakailan naman, sa NCR na ang inupakan. May mga bodega ngasukal ang natuklasang bultubultong asukal ang nakaimbak. Ganon din sa Cagayan de Oro City kung saan hinihinalang mga puslit na asukal mula Thailand ang natuklasan din. Bodebodega na, pards ang mga nabukong nakaimbak na asukal samantalang kinakapos sa merkado. Ayon sa ulat, binibigyan pa ng ilang araw ang mga may-ari ng mga bodegang ito upang magpalaiwanag kung bakit may mga bultong asukal sa kanilang mga bodega.

Tanong: sakaling matutuklasang may nilabag na batas ang mga ito…ano kaya ang susunod na mangyayari?
Anong parusa ang dapat igawad? Haaayyy buhay nga naman. Hindi na tayo natuto sa kasabihang ano mang baho
ang itago mo’t ibaon, makakakalkal at mahahalukay din. Kung sa ibang bansa, ang patuloy nilang kontrobersiya ay
ang laban kontra-Covid-19, tayo naman laban kontra illegal na gawain sa isyu ng asukal, sibuyas, asin, sili at iba pa. Baka meron pang susulpot na bago. Abangan. Adios mi amor, ciao, mabalos.

 

ALL ABOUT THE MONEY

SHORT ON LIFE

Amianan Balita Ngayon