ATTY. ISAGANI NEREZ, BAGONG HEPE NG PDEA

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si retired Police Maj.Gen. Isagani Nerez bilang bagong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nangungunang ahensya sa anti-narcotics campaign ng gobyerno.
Nanumpa si Nerez kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa Palasyo ng Malacanang noong Pebrero 4, bilang 9th PDEA Chief. Si Nerez, tubong Laoag City,Ilocos Norte at residente ng Baguio City, ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Maharlika Class of 1984.

Si Nerez, na noon ay nasa Criminal Investigation Service (CIS) sa Baguio City ay sinabayan niya ang pag-aaral ng abogasya sa University of Baguio,hanggang sa ito’y makapasa. Bukod sa pagiging city director ng Baguio City Police
ay naitalaga din siya bilang provincial director ng Pangasinan Provincial Police Office, bago naging regional director ng Police Regional Office-Cordillera. Matapos ang paninilbihan sa Cordillera, ay itinalaga si Nerez ng mahahalagang
posisyon sa iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP), kabilang pagiging head ng Police Anti-Crime
Emergency Response (PACER), Directorate for Integrated Police Operations, Eastern Mindanao.

Sumali siya sa PNP Special Action Force (SAF), Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF), at PNP Anti-Kidnapping Group. Noong 2022, hinirang siya ni Pangulong Marcos bilang na Undersecretary for Police
Affairs sa Office of the Presidential Adviser on Military Affairs. Kabilang din si Nerez sa kinatawan ng pamahalaan na binuo noong 2023 para sumuri sa rekord ng mga tiwaling pulis sa sangkot sa kontrobersyal na P6.7-bilyong shabu. Bilang bagong Director General ng PDEA, responsible si Nerez na mahigpit na ipapatupad ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na walang kinikilingan para ipatupad ang pagsugpo sa illegal drugs sa bansa.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon