Author: Amianan Balita Ngayon

GISING NA BULKAN… TRAHEDYA AND BADYA!

Tatlong bulkan ang nagbabadya ng trahedya sa ating bansa. Bantay-sarado ang ating gobyerno. Pondo angklado na rin. At sa tatlong bulkan (Mayon, Kanlaon at Taal) ang pinaka-nag-aalburuto ay ang Mayon sa Albay. Pero ang nakapagtataka… habang inililikas ang mga residente na nasa danger zone, dumadagsa naman daw ang mga lokal at banyagang turista upang panoorin […]

TUNAY BA TAYONG MALAYA???

Habang sinusulat ang espasyong ito, puspusan na ang mga paghahanda para sa paggunita ng Araw ng Kalayaan sa June 12, 2023. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Kalayaan? Malaya ba tayo talaga? Ating talakayin mga pards: Mahirap tarukin ang tunay na katuturan ng “Kalayaan”. Pero una sa lahat, pasalamat tayo at sa literal na […]

KAHANDAAN TUWING BAGYO…. MAHALAGA

Napakahalaga ang kahandaan tuwing ganitong panahon ng tag-ulan lalo na kung may bagyo. Sabi nga nila…daig ng maagap ang masipag. Kaya sa pagdaan ng bagyong si “Betty”….di gaanong malala ang pinsalang iniwan sa ating bansa. Hindi kasing grabe ng mga nagdaang malalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas. Habang sinusulat ang espasyong ito, patungong Taiwan na […]

PANAHON NG KALAMIDAD… PAGHANDAAN

Hindi nagkamali ang PAGASA sa kanilang prediksiyon kamakailan na talagang papasok na tayo sa panahon ng tag-ulan. Katunayan, habang sinusulat ang espasyong ito…nasa tabi lang natin ang isang super typhoon (MAWAR) na may lakas na 185KPH (center wind) at pagbugsong aabot sa 230KPH. Dalangin natin na huwag na sanang pumasok sa PAR upang mailayo ang […]

MGA IMBESTIGASYON… KAILAN KAYA MATATAPOS???

Sa kasalukuyan, tambak ang mga kaso at isyung iniimbetigahan. Tambak din ang mga tanong: kailan ito matatapos? Kasunod na mga tanong: may hustisya o hahanapin pa? Ito ang mga eksenang kinahaharap ng ating bansa ngayun na kung kailan magwawakas…panahon na lang ang magdidikta. Kaliskisan nga natin ito mga pards: Kamakailan, napaulat sa pamamagitan ng DOJ […]

KULANG AT SOBRA…. PAREHAS NA PROBLEM!

Sala sa lamig…sala sa init. Ito ang sinaunang kasabihan at sumasalamin sa lahing Pinoy. Sa mababaw na pananaw: KULANG AT SOBRA…PAREHAS NA PROBLEMA! Ito ang temang gusto nating kaliskisan sa isyung ito ng daplis. Sundan: Kulang daw tayo ng kahandaan kung bakit nakapasok sa ating teritoryo ang Tsina. Maaring sobra ang ating tiwala. Sa ngayon, […]

MGA BANTA SA BANSA, DAPAT AGAPAN!

Sa kasalukuyan, napakaraming mga banta sa ating bansa ang dapat pagtuunan ng pansin at agapan bago lumala. Mga problemang hanggang sa kasalukuyan ay nagbabanta sa kabila ng mga pagkalatag ng mga solusyon. Ating halukayin, mga pards: Una sa lahat ay ang seguridad ng ating bansa laban sa lantarang panghihimasok ng bansang Tsina. Matagal na ang […]

TINIMBANG KA NGUNIT: TAMA BA O KULANG?

Kung timbangan ang usapan, alam ng marami na ang timbangan ng hustisya ang pinakamataas. Kaya ito nakapiring bilang moog ng pantay-pantay na hustisya…walang maliit, walang Malaki, walng mahirap, walang mayaman. Ngunit ang malaking katanungan: bakit marami ang sumisigaw at naghahanap ng katarungan kahit pa sila’y natimbang na? Sa pagtimbang kaya may TAMA o may KULANG? […]

P20/KILO NG BIGAS…. NASAAN NA?

Hanggang ngayon, usapusapan pa rin saan mang sulok ng bansa kung nasaan na raw yong pangako ng Pangulong Marcos Jr. na beinte pesos kada kilo ng bigas? Tuloy salasalabat din ang mga reaksiyon: “Impusipos” – upak sa Ilokandia. “Kalokohan”- bira naman ng mga praktikal. “Que sira sira”- daplis naman ng mga nagmamarunong na magkastila. Kung […]

MGA EKSENA SA SEMANA SANTA!

Tapos na ang Semana Santa ngunit maraming eksena ang sumabay at naging kontrobersiya. Ito ang ating hihimayin sa ating daplis baka makaambag ng kahit munting alalay o tapik: Ayon sa mga ulat mula sa mga otoridad…umabot o baka lagpas pa ng walumpo-katao ang nasawi noong Semana Santa na karamihan ay pagkalunod. May mga nalunod dahil […]

Amianan Balita Ngayon