Author: Amianan Balita Ngayon

“BAKIT HINDI IPAIMBISTIGA SA KONGRESO SI DONG AT DPWH REGION 3?”

Malinaw pa sa sikat ng araw ang paglabag ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa tangangtangang kredibilidad ng isang mambabatas nang makipagsabwatan itong mapasakamay sa kumpanya ng kanyang pamilya ang P611,577,718.40 flood control mitigation projects sa Pampanga. Kasing-linaw din ang paglabag ng mga mataas na opisyal ng […]

“GALAWAN SA BSKE PANGITA LANG NG PHILIPPINE-STYLE ELECTION”

Muling bumulwak saan man sa Pilipinas ngayong halalang pambarangay at SK ang mga galawang pangita ng Philippine-style elections. Pera at kapangyarihan pa rin ang namamayani, kahit hindi man nais aminin ng mga nagmamalinis na pulitikong pambarangay. Sekondaryo o pangatlo na lang sa konsiderasyonang plataporma ng isang kandidatong pambarangay, dahil nauuna ang perang naiaabot o gamit […]

“PURSIGIDO BA ANG GOBYERNO KONTRA E-SABONG?”

Kung pursigido ang gobyernong BBM kontra electronic sabong, nagawa na sana nitong mahiling sa Regional Trial Court ng Urdaneta City, Pangasinan ang warrant of arrest laban sa 23 akusado sa esabong operation ng ‘Global Talpakeros-Online Sabong’. Ilang linggo naman nang hinihingi ng Office of the Provincial Prosecutor ng Pangasinan mula sa RTC Urdaneta City ang […]

“ANO ANG SANHI SA DI MATAPOS-TAPOS NA P77.177M TULAY SA BENGUET?”

Galit na rin si Benguet congressman Eric Go Yap kasabay ng nangagaliiting mamamayan ng La Trinidad, Benguet sa ‘di matapostapos na P77.177 milyong patrabahong Pines Park bridge sa barangay Balili, La Trinidad, Benguet. Nakatalagang matatapos sana itong multi-milyong patrabaho sa huling linggo nitong Oktubre, ngunit tila aabutin pa ng Oktubre 2024 dahil sa kupad ng […]

“BUKING NA BUKING SI CONG….DONG”

Paano ilulusot ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang sarili, lalo na mula sa kasong graft at corruption at higit sa lahat kawalang delikadesa ukol sa mahigit kalahating bilyong flood control mitigation projects na mismong kumpanya niya at kanyang pamilya naipasakamay ang mga proyekto? Kahit grade 1 […]

“SUBIC BAY FREEPORT, MALAYANG PASUKAN NG DROGA AT IBA PANG SMUGGLED GOODS?”

Naghihimutok si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Jonathan Tan nang sisihin ang pinamamahalaan nyang ahensya bilang “hotbed ng smuggling” sa bansa. Ano pa ang gustong patunay ni Tan na malaya ngang nakalapasok pati ang droga sa Subic kundi ang kakadiskubre lamang na P3.8 bilyong shabu noong Huwebes na Mexico, Pampanga na lumusot […]

“BAKIT INUTIL ANG OTORIDAD KONTRA SA SUGAL LUPA SA CAGAYAN VALLEY?”

Sa katawagan nitong “sugal- lupa ” , nalululong sa mga iligal na aktibidades na pinagbibidahan ng sabwatang pulis, lokal na opisyal at gambling operator ang mga magsasaka, na higit na nakararaming bilang saan man dako sa lambak ng Cagayan. Batay sa indikasyon sa galaw o sa kawalang-galaw, ng mga naturingang lingkodbayan na pulis at lokal […]

“ILLEGAL RECRUITMENT SYNDICATE, MALAYA PANG NAKAPANLOLOKO”

Marahil marami pa ang binibiktima at mabibiktima nila Mirasol Bahian Magabo, Gregoria Ecle Santos, Cherie Saga at kinakasama nitong si Laureano Norte, hindi lang sa Northern Luzon kundi buong Pilipinas kung papabayaan ng otoridad na makapang-scam sa pamamagitan ng pekeng overseas recruitment scheme. Malayang nakapangloloko ang sindikato ng mga umaasang makapagtrabaho sa ibang bayan sa […]

“SUGAT NG OPEN-PIT MINING, SARIWA PA SA ITOGON, BENGUET”

Maraming pangamba ang mga mamamayang apektado ng naka-ambang komersyal na pagmimina ng Itogon-Suyoc Resources Inc. (ISRI) sa Itogon, Benguet. Bumabagabag sa kanila ang mataas na posibilidad ng pagkawala o kung hindi man pagkalason ng mga pinanggagalingan ng maiinum na tubig. Pinangangambahan din nilang ang 25 taong komersyal na pagmimina ng ISRI sa 581 ekyarya na […]

“BALIK ANG MGA SUGALAN SA CAGAYAN VALLEY”

Bumalik ang “dice games” ni Jerry Melad sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City, lalawigan ng Cagayan, matapos ang “pagpapalamig” nito sa batikos ng mamamayang naapektuhan sa kanyang pagpapasugal. Ibig sabihin, nanumbalik din ang sabwatan ng kapulisan at lokal na pamahalaan matapos ang halos dalawang buwang “tagtuyot sa bigasan” ng mga lingguhang “dumidikit” sa iligal na […]

Amianan Balita Ngayon