Author: Amianan Balita Ngayon

PARANGAL AT PANGAMBA

HABANG buong pangamba nating inaantabayanan ang landas na tinatahak ni Jenny buong linggo, ay ginulat tayo ng balitang limang parangal ang natanggap ng Baguio sa larangan ng turismo noong taong 2022. Sa isang maikling pahayag, ni Gladys Vergara, pangulo ng Baguio Tourism Council, kanyang idinitalye ang mga natatanging Pearl Awards na ipinagkaloob ng Association of […]

LAGING HANDA

OKTUBRE na, at tila walang puknat ang paghagupit ng masamang panahon na nagsimula pa noong Hulyo, nang hambalusin ang Pinas ni Egay, na sinundan agad ni Falcon. At nitong Agosto hanggand Setyembre nga, iba’t ibang pagsusungit ng panahon ang lagi na lang nakaambang manalasa sa atin. Gabi-gabi, walang pangunahing balita ang bumubulaga sa madlang pipol […]

BAGONG BANTA, BAGONG PANGANIB

NGAYONG umaga ng Byernes, habang sinusulat ito, ay may masamang balita mula sa India. May bagong virus daw, na hindi pa maseguro kung apo ni Covid-19, ang ngayon ay kumitil na nga dalawang tao sa napakalawak na kontinente ng India. Sabagay ay bilyon ang populasyon sa naturang lugar, at maaga pa upang muli tayong balutin […]

BUWAN NG PAGMAMAHAL

HINDI IT BUWAN ng Pebrero, pero mukang mas matindi pa ang epekto ng pagmamahal sa kasalukuyan. Dahil sa pagmamahal ng mga bilihin – una ay bigas, sumunod ang mga gulay, at sa isang iglap, pati sili. Huwag na nating isama diyan ang sibuyas, bawang, pati kamatis, mga pangunahing sangkap upang magkaroon ng lasa ang ating […]

HARINAWA HARING ARAW

MATAPOS ang mga mapaminsalang mga bagyo – Egay, Falcon, Goring, Hannah, Ineng — mukhang biniyayaan tayo ng kalangitan na makita si Haring Araw nitong nakaraang mga araw. Salamat naman, at kahit papaano, hindi tayo nakakaligtaan ng nasa Itaas. Patuloy ang Kanyang bendisyon, patuloy ang Kanyang pag-alaga sa atin. Matatandaan na nagtapos ang buwan ng Hulyo […]

EGAY, FALCON, GORING

ME TAMA na naman tayo. Nagtatapos ang Hulyo nang manalasa si Egay, na sinundan agad ni Falcon. Ngayon naman, si Goring ang bumibisita, kasama ng libo-libong mga turista na nabigyan ng apat na araw na walang pasok, sa klase, sa opisina, at syempre, maging sa mga pribadong establisimyento. Hindi maikakaila ang pagka-dismaya ng mga residente […]

BUWAN NG MULTO

K MAKAILAN, binulaga tayo ng barber natin kung kailan ang tinatawag na Ghost Month? Me ganun ba, ang daglian kong kontra-tanong. Ang nagpapagupit sa kabilang silya ang nakisawsaw. “Meron, a-kinse ng Agosto hanggang a14 ng Setyembre.” Kaya naman, nagtanongtanong tayo sa mga me konting kaalaman sa mga multo. Sa totoo lang, dalawang lugar sa Baguio […]

COVID, MAY BAGONG MUTANT?

NITONG LINGGO NG buwang kasalukuyan, ginulantang na naman tayo ni Covid. Sa isang mapagmalasakit na paalala, inihayag n gating Ama ng Lungsod na nandyan pa daw ang malupit na virus, sa bagong mutation na may ngalan na EG.5. Sa ngayon daw, ito ang nananalasa sa Amerika, bagay na ikinababahala ng buong mundo. Sinabi pa ni […]

UMULAN, UMARAW

MATINDI ANG dating ng unang linggo nitong buwan ng Agosto na nasa isang salita ay maaaring bigkasin ng walang kusa. MAPAMINSALA. Huwag ng magulat dahil, sa totoo lang, ginulantang tayo ng magkasunod na bagyo – si Egay at si Falcon- na walang habas ang ginawang pananalasa sa 25 probinsya at lungsod dito pa lang sa […]

UMASA, UMAHON

AT DAHIL bagong buwan na, hindi maikakaila ang pagnanasa na palayain ang bagong pag-asa. para sa lahat. Dumaan at patapos na ang Hulyo, nakadilat ng naghihintay ang Agosto, na sana naman ay maging makabuluhan para sa buhay at kabuhayan Diyan naman tayo nabubuhay sa pag-asang bubuti ang lahat-lahat. Mapagkikitaan. Mapagbubuhayan. Mapaglalambingan Kaya naman, ating salubungin […]

Amianan Balita Ngayon