Author: Amianan Balita Ngayon

TAMA BA DI NA DAPAT?

ANG INAASAHAN ay nangyari na nga, ang pagluluwag sa mga paghihigpit kapag nasa labas ng bahay o gusali. Opsyonal na ang pagsusuot ng face mask sa mga nasa open spaces, sa mga kalsada, kapag naglalakad. Ngunit meron isa ngang pagpapayo. Gawin ang tama, kapag may katandaan ang edad, o dili kaya kapag may sakit ng […]

FACE MASK, BOLUNTARYO NA

BREAKING news ang pahayag Ng Palasyo sa gitna ng state visit ni PBBM sa Singapore. Opsyonal na ang pag-gamit ng face mask pag nasa outdoors. Sa patuloy na paglaganap ng pandemya, sa patuloy na pagbilang ng mga kaso, panibagong hamon na naman. Kailangan pala umalma lang ang isang Lungsod tulad Ng Cebu, at kambyo agad […]

BAGONG BUHAY SA BAGONG UMAGA

ISANG MASAYANG pagbati sa lahat sa unang araw ng Setyembre ngayong taon. Bagama’t mayroong pagsungit ng panahon, hindi ito naging balakid upang bigyang halaga ang Araw ng Pagsilang ng ating lungsod sa araw na ito, 113 taon na ang nakalipas. May bagong enerhiyang pinaghuhugutan ng pamunuan at ang lahat ng tagarito, maging ang sinomang mahal […]

AYOS AT DAUSDOS NG PANAHON

BAGO ang lahat, ating alamin at kumustahin ang sitwasyon ng patuloy na nananalasang pandemya sa atin mismong lugar, ang lungsod ng Baguio na sa unang araw ng Setyembre ay kanyang ika-113 na taon nga pagkakasilang. Nitong mga nakaraang araw, arya-abanteng pataas pa rin ang mga numero ng hawaan, gayung hindi lumalampas ang mga epekto sa […]

BAGONG BAKUNA: ALL IN ONE

NGAYONG nahimashimasan na ang karamihan, ay ating timbanging mabuti ang anunsyong mayroon ng bagong bakunang panlaban sa lahat ng subvariant na ngayon ay kumakalat, kasama na ang pinagngingilagang supervariant daw na higit na mabilis makahawa, at higit na mabagsik ang dalang epekto, lalo na sa mga may kasalukuyang dinaramdam na seryosong sakit. Kamakailan ay nanunsyo […]

PUNA AT PANSIN

HABANG ang pandemya ay patuloy ang pananalasa sa atin, habang iba’t ibang uri at hugis ng mga sub-variant ang nalilikha, habang walang tigil din ang mga babalang oras-oras ay umaalingawngaw, umaayos naman kaya ang sitwasyon? Ilang araw na ring ginaganap ang PinasLakas ang bagong bansag sa programang bakunahan  pero tila matumal pa rin ang tugon […]

BIYAYA NG BUHAY

SA MGA sandaling ito, tila hindi na mapigilan ang patuloy na paglobo ng nananalasang covid-19. Dalawang buwan ng nangyayari itong pagtaas ng mga bagong kaso, ngunit atin pa ring mina-mane dala na rin ng pagpapakalma ng mga nakaaalam. May dahilan din naman ang ating kawalan ng agamagam. Kung nitong lampas dalawang taon ng pandemya, hindi […]

Dapat Ingat para Angat

NITONG HUWEBES lang, bumulaga ang mga panibagong kaso ng covid sa atin. Hindi naman kataasan. Ngunit usaping pagkabahala pa rin. Bagama’t mas marami pa ang bilang nga lahat ng daliri, hindi ibig sabihin na walang dapat ipangamba. Sa Metro Manila, ang sapantaha ay aabot sa halos 500 bagong kaso ang maitatala na na-covid batay na […]

Bagong Banta

PAANO NA ITO, nandyan pa pala si Omicron na ngayon ay nagkasupling ng dalawang subvariant at ngayon nga ay sumasalanta na sa NCR Metro Manila? Ilang linggo pa naman tayong nagpaka-kampante at binabaleng walang bahala ang sitwasyon. Kundangan kasi, tuloy tuloy ang dagsa ng mga tao sa labas ng bahay. Aba eh, nung kampanya na […]

Balik Normal na?

ANG PANDEMYA ay naririto pa sa atin, patuloy na nananalasa, patuloy na binibigyan ng pangamba ang mga Pinoy. Hindi katulad ng mga naunang buwan at taon, tayo naman ay tila hindi nababahala. Anuman ang variant na nandyan, na iba’t iba ang pangalang ibinibinyag, dedma pa rin tayo, hindi gaanong kinakapitan ng takot, tuloy ang lakad […]

Amianan Balita Ngayon