AUTOSWEEP AT EASYTRIP, NAKIHALOK SA BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR SA BENGUET

Photo Caption:

Mga opisyal ng Autosweep at Easytrip, kauna-unahang paglahok sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Benguet State University, noong mula Abril 21-22, 2024.

Photo by Judel Vincent Tomelden/ABN


LA TRINIDAD, Benguet

Sa isang makasaysayang okasyon, naging bahagi ang unang pagkakataon na pagsali ng dalawang pribadong ahensya sa transportasyon, ang Autosweep at Easytrip, sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ginanap sa Benguet State University, noong  Abril 21-22. Layunin ng pagtitipon na magbigay ng libreng serbisyo sa paglalagay ng Autosweep RFID upang mapalakas ang sistema ng cashless transaction sa mga toll gates sa SLEX, Skyway, Stage 3, NAIAx, STAR, at TPLEX.

Gayundin, ang mga serbisyo ng Easytrip RFID installation, reloading, replacement, at balance transfer ay inalok para sa NLEX, SCTEX, CAVITEX, at CALAX. Ayon kay Joey Balunsay ng Intelligent E-Processes Technologies Corp.,
ang layuning ito ay magbibigay daan sa mas mabilisang transaksyon na hindi na kailangang pumila pa sa cash lane at hindi lamang magpapabilis sa pagbiyahe kundi magbabawas rin ng abala sa mga motorista. Ang pagsamang Autosweep at Easytrip sa nasabing pagtitipon ay nagpakita ng kanilang pagtutulungan upang mapabuti ang serbisyong hatid sa publiko at maabot ang pangmatagalang layunin ng mas mabisang sistema ng toll collection sa bansa.

By Judel Vincent S. Tomelden/  UB Intern

GUT-Z PPOP

BAGUIO PRIDE

Amianan Balita Ngayon