Babaeng boss ng sindikato, 3 pa nadakip sa Ilocos Sur

Mar 18, 2017

LUNGSOD NG VIGAN, ILOCOS SUR – Hindi nakatakas mula sa otoridad ang isang babaeng leader ng sindikato ng droga at tatlo pang katao sa magkakahiwalay na operasyon sa Cabugao, Ilocos Sur.
Naaresto ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency at kapulisan ng Ilocos Sur si Cherry Ann Lozano, leader ng isang drug syndicate na diumano ay nagsusuplay ng shabu sa Cabugao at kalapit na bayan sa Ilocos Sur.
Nabitag sa planadong sting operation noong Marso 11 ang babaeng pusher na nagbebenta ng anim na sachet ng shabu at inihatid pa ito sa barangay Pug-os, Cabugao.
Nakumpiska rin ng otoridad ang motorsiklo na ginamit sa paghahatid ng shabu at ang cellphone na ginamit sa ilegal na transaksyon.
Sa ilalim ng Section 5 ng Republic Act 9165, ang pagbebenta ng ilegal na droga ay hindi maaaring piyansahan.
Sa parehong bayan, sa barangay Daclapan, ang 28-anyos na nasa drug watchlist na si Manman Olivar ay nadakip din matapos ni-raid ng otoridad ang kanyang tahanan kung saan nakuha ang dalawang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.
Ayon kay Bismark Bengwayan, spokesperson ng PDEA-Region1, ang naturang raid ay iniutos ng lokal na korte.
Samantala, noong Marso 9, ang magkasunod na raid sa dalawang bahay ng 38-anyos na si Antonio R. Ramolete alyas “Tony” ay nagresulta sa pagkakumpiska ng shabu, mga baril, at drug paraphernalia.
Ang anti-narcotics agents na inutusan ng RTC Branch 20 sa Vigan City ay nakakita ng tatlong sachets ng shabu, a isang homemade caliber 22 rifle, nagamit na bullet casings, at drug paraphernalia sa bahay ni Ramolete sa barangay Sulbec, Santa Catalina.
Mula naman sa kanyang bahay sa barangay Poblacion, sa parehong bayan ay may nadiskubreng 45 caliber pistol, isang Armscor handgun, isang 12-gauge shotgun na may mga bala, apat ma magazine ng 45 pistol, iba pang mga bala at drug paraphernalia.
Kakaharapin ni Ramolete ang kaso sa drugs violation at gun control violation.
Samantala, noong Marso 12 ng umaga sa barangay Sacaang, Galimuyod, sa Ilocos Sur, ay nakumpiska ang apat na sachet ng shabu, drug paraphernalia, isang 45 caliber pistol na may magazine at bala mula sa bahay ni Apollon G. Gadingan.
Ngunit si Gadingan ay nakatakas sa otoridad.
“The confiscation of these various weapons only proves that these criminals are dangerous. When they are high on drugs, they are capable of doing anything,” babala ni PDEA Region1 Director Jeoffrey Tacio. Ace Alegre / ABN

RELATED POSTS

FILIPINO ATHLETES

FILIPINO ATHLETES

In this March 2022 file photo, Cong. Eric Go Yap of Benguet shares some light moment with Team Lakay’s Eduard Folayang and coach Mark...

AMIANAN POLICE PATROL

College student,driver, farmer, huli sa P19.8M marijuana sa Kalinga  TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakalusot ang isang college student at...

TUBA WATER SYSTEM

TUBA WATER SYSTEM

After decades of waiting, thousands of residents of Barangay Poblacion and adjoining barangays will soon benefit from a water system...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest