BABAENG MIYEMBRO NG DRUG SYNDICATE SUMUKO SA ILOCOS NORTE

SAN FERNANDO CITY, La Union

Sumuko sa intelligence unit ng provincial police kamakailan ang isang 37-anyos na miyembro ng
sindikato ng droga sa Ilocos Norte.Ang suspek ay isang highvalue individual listed drug personality, Top 10 regional priority target sa illegal drugs, at miyembro ng Bumanglag Drug Group sa ilalim ng
“Coplan: Segundo.”

Sinabi ni Brig. Gen. John Chua, Ilocos region police chief, sumuko ang suspek sa tulong ng kanyang abogado na sina Richard Tumaneng at Rev. Fr. Philip Anthony Dimagiba, Ilocos Norte police provincial chaplain, through house visitation in line with Kasimbayanan or the “Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan” program of the Philippine National Police.

Personal na humarap ang suspek sa intelligence unit at boluntaryong nagsagawa ng affidavit of undertaking na hindi na muling makisangkot sa anumang aktibidad ng ilegal na droga. Nangako siya na aktibong susuportahan ang mga awtoridad sa paglaban sa paglaganap ng iligal na droga
sa lalawigan. Gayunpaman, sasailalim pa rin siya sa mahigpit na monitoring upang matiyak ang
tagumpay ng kanyang pangako sa pagsuporta sa agenda ng gobyerno para maalis ang banta
ng droga sa bansa.

Freddie Lazaro/ABN

Amianan Balita Ngayon