Babaeng negosyante, ninakawan

Isang babaeng negosyante ang ninakawan ng pera na nagkakahalaga ng P9,220, isang piraso ng Ruper (Indian money) at isang piraso ng Hongkong Dollar.
Kinilala ang biktima na si Mylene Lamangen Avelino, 27, walang asawa, negosyante at tubong Dianawan, Maria Aurora, Aurora Province at residente ng Natubleng na may business address sa Sinipsip, Amgaleyguey, Buguias, Benguet samantalang kinilala ang suspek na si Albert Carlos Pingi, 29, walang asawa, magsasaka, tubong Virac, Itogon, Benguet at residente ng Nansabatan, Sinipsip, Amgaleyguey, Buguias, Benguet.
Ayon sa imbestigasyon ay tumawag ang biktima sa Atok MPS na ninakawan siya ng suspek at agad namang nagsagawa ng checkpoint ang mga personnel ng Atok MPS at nahuli ang suspek at nabawi ang pera.
Itinurn-over ang kaso sa Buguias MPS para sa kaukulang pagpila ng kaso sa suspek.

Amianan Balita Ngayon