Bagong agrarian reform, suportado sa Cordillera

May 21, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagdeklara ng pagsuporta ang mga pinuno ng pamahalaan sa Cordillera kaugnay sa bagong agrarian reform program na rumerespeto sa karapatan ng indigenous people sa kanilang ancestral domain o lupang minana sa kanilang mga ninuno.
Ang dalawang araw na regional consultation sa Comprehensive Agreement on Socio-economic Reforms (CASER) ay isinagawa ng government peace panel at ng Regional Development Council kasama ang Regional Peace and Order Council ng Cordillera noong Mayo 15-16 sa lungsod na ito. Dito ay idineklara ng regional government leaders ang kanilang pagsuporta sa bagong reporma sa agraryo na puputol sa ugat ng “agrarian unrest” na nagbunsod sa tinaguriang Maoist rebellion sa bansa, na pinakamahabang armadong panghihimagsik sa buong mundo.
Ayon kay dating pinuno ng agrarian reform at government peace panel member Hernani Braganza, nais ng gobyerno ni Duterte na itigil na ang labanan sa pamamagitan ng pagresolba sa ugat ng himagsikan gamit ang “asset distribution”.
“We are gearing for free land distribution,” ani Braganza, “with just compensation of course.”
Aniya, isa sa bahagi ng CASER, na maaaring malagdaan bago magtapos ang taon, ay ang repormang agraryo. Ito ay pangalawa sa apat na agenda sa usapang pangkapayapaan. Nagsimula ito noong 2001 at noong 2004 ay preamble at declaration of principles lamang ang napagkasunduan.
Pangako naman ni National Democratic Front (NDF) peace panel consultant for Constitutional and Political Reforms Felix Randy Malayao, “The revolutionary movement recognises the right of the peoples of the Cordillera for self-determination, just as it recognises the rights of the Moro and Lumad peoples.”
Paliwanag niya, “National oppression is not only problem among Cordillerans. They suffer from the yoke of imperialism, feudalism and bureaucrat capitalism.” Ang totoong autonomiya at pagsasarili ay dapat na nakatugon sa tatlong ito, giit niya.
“While majority of the Filipino population suffer from these three major problems, Cordillerans, Moros, Lumads, Agtas and other national minorities suffer national oppression as an additional woe,” saad ni Malayao.
Kabilang sa mga nakibahagi sa naturang konsultasyon ay sina Baguio City Mayor Mauricio Domogan, Benguet Governor Cresencio Pacalso, Ifugao Gov. Pedro Mayam-o at Mt. Province Gov. Bonifacio Lawasan Jr. Kasama rin ang mga opisyal ng NEDA, DILG, DAR, DPWH, DepEd, DOE, DOLE, DOST, TESDA, DSWD, DOT, NCIP, PMS, PIA, AFP at PNP. Maging ang community leaders mula sa pribadong sektor at non-government organizations ay nangako ng kanilang suporta para sa mga probisyon ng draft ng CASER kung ang mga reporma na ipapatupad ay hindi taliwas sa mga tradisyon at kultura ng indigenous peoples ng Cordillera.
Nanawagan din sila sa gobyerno at NDF sa pamamagitan ng isang joint statement na magkasundo sa permanent ceasefire at hayaan ang “full development” ng mga komunidad sa Cordillera.
Ayon kay Domogan, chairman ng parehong RDC at RPOC, ang pagtamo sa makatarungan at nagtatagal na kapayapaan ay susi upang makamit ang “inclusive growth and sustainable development in the Cordilleras”.
“We believe that this will be realized through continuing peace negotiation, sustainable socio-economic reforms, and recognizing our right to self-determination through an autonomous regional government,” ani Domogan.
Sinang-ayunan naman ito ni Malayao, “to achieve a more permanent and stable ceasefire, socio-economic reforms should be in place.” Ngunit aniya, “a unilateral or any form of ceasefire could serve as a confidence-building measure or an incentive to push the talks further.”
Dagdag pa niya na ang pagpapalaya sa mahigit 500 political prisoners at nakakulong na consultants ay magbibigay ng karagdagang mga incentive at positibong pananaw para sa pagpapatuloy ng peace negotiations.
Sinabi ni Malayao na ang NDF ay obligadong sumunod sa Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CAHRIHL). “It has always vowed to respect human rights and international humanitarian law in the conduct of it revolutionary activities.” Mahigpit na sinusunod ng NPA ang 3/8 Points of Discipline na nagbabawal sa extortion, aniya.
Iginiit ng mga pinuno ng Cordillera na anumang ceasefire agreement kasama ang NDF ay nararapat na may mga probisyon na nagbabawal ng extortion activities at pag-atake sa mga sibilyan ng mga rebelde, maging ang paninira sa mga pribadong ari-arian at pagdukot.
Ngunit ani Malayao, “yung usapin ng extortion, the CPP, NPA, NDF do not sanction extortion activities in any form. It is a serious offense.”
Samantala, sinabi ni Roberto Ador, chairperson ng Reciprocal Working Committee for Socio-economic Reforms para sa gobyerno, na wala pang matibay na napagkakasunduan.
Ani Braganza, bagaman matagal nang nasimulan ang CASER, lalo na sa mga isyu ng agrarian reform, ay nagsisimula pa lamang uminit ang negosasyon para dito.
Ang isinagawang konsultasyon ay unang pagtatangka ng gobyerno para mapalago ang CASER, at binigyang importansya ang rehiyon ng Cordillera dahil sa pagkakaroon nito ng indigenous peoples at mga minahan.
“Via the RPOC-RDCs, we ensure that the sentiments of the people are included in the talks,” ani Braganza.
Dagdag pa niya na ang makukuhang output ay isasamang bahagi ng input para sa ikalimang round ng usaping pangkapayapaan kasama ang NDF sa The Netherlands mula Mayo 27 hanggang June 1, 2017. Ace Alegre / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest