BAGONG KALSADA SA MGA TAGA LOAKAN NA APEKTADO NG NAGBUBUKAS NG AIRPORT

BAGUIO CITY

Ipinangako ni Mayor Benjamin Magalong na magbubukas sila ng bagong kalsada na daraanan ng mga residente Loakan na apektado sa pagsasara ng airport runway. Matatandaan na nagsimula na
ang byaheng Cebu-Baguio ng Philippine airline noong Disyembre 14, 2022. Ani Magalong “We need to do it as the permanent solution to the access problem in the area,” Anya nagkakaroon nan g
koordinasyon sa pagitan ng Dept. of Public Works and Highways at iba pang regional agencies upang ihanay ang mga technical at financial na aspeto upang maisagawa ang nasabing proyekto sa
pagbubukas ng bagong daan o kalsada para sa mga residente ng Loakan na apektado ng pagsasara ng airport runway .

Sa inisyal na pag-aaral ng mga technical working group ay napag-alaman na ang kalsada umanong planong gawin ay hindi lahat pag-aari ng Philippine Export Zone Authority kindi may ilang mga
pribadong tao na nagmamayari ng lupa . Idinagdag pa ni Magalong na “Unfortunately, we need to
resolve issues on the privately owned lots along with the additional funding required to get it done.

The additional funding was not included in our 2023 budget so it may be worked out by 2024,”
Sa ngayon ayon kay Magalong ay nakikipagugnayan pa rin ang syudad sa tanggapan ni Rosito Tamayo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bigyan pa rin ng pagkakataon na
makadaan ang mga residente pansamantala sa habang tinitignan naman nito ang safety ng mga aircrafts at crewmen sa loob ng runway.

“What is important is to stop the indiscriminate use of the runway to prevent hazards that may compromise the safety of the passengers, airport personnel and the aircrafts,” dagdag pa ni Magalong.

Aileen P. Refuerzo/ABN

Amianan Balita Ngayon