BAGONG MINIMUM WAGE SA CAR 400 PESOS NA

BAGUIO CITY

Isang magandang balita para sa mga manggagawa at sa iba pang empleyado sa buong Cordillera matapos ilabas at maging epektibo na noong Enero 1, 2023 na ang P400.00 na ang minimum wage sa buong Cordillera Administrative Region. Ayon sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ng Philippine Information Agency-Cordillera ay ito na ang ikalawang tranche ng pagtaas ng sahod ng mga minimum wage earners na naaayon sa Wage Order No. CAR-21.

Unang ipinatupad ang 1st tranche ng wage increase simula noong Hunyo 14, 2022 kung saan, naging P380.00 ang minimum wage rate sa rehiyon. Nadagdagan ng P30.00 ang P350.00 na daily wage sa Baguio City, La Trinidad, at Tabuk City habang ang ibang lugar sa rehiyon na may P340.00 rate ay nadagdagan ng P40.00. Sa second tranche ay nadagdagan ng P20.00 ang P380.00 na minimum wage rate ay naging P400.00 na.

Panayam ng Amianan Balita Ngayon (ABN) sa ilang manggagawa sinabi ni Cristine 37 anyos na mainam naman aniya na tumaas nan g P400.00 na ang minimum wage, subalit idinagdag niya na mas maayos sana kung isar na lang sa P500 ang daily wage ng bawat mangagagwa dahil sa ngayon
ay tumataas na rin ang mga bilihin. Ayon naman kay Mauricio, 42 isang empleyado ng isang
pribadong kompanya magandang salubong yan ngayong 2023 na tumaas na hanggang P400.00 ang daily ng mga empleyado sana madagdagan pa ito para matygunan din aniya ang pagtaas ng mga bilihin.

PIA-Cordillera

Amianan Balita Ngayon