BAGONG SCHOOL CALENDAR INILABAS NG DEPED

BAGUIO CITY

Itinakda ng Department of Education ang baong kautusan sa ilalim ng DepEd Order No. 003- 2024, na ang bagong petsa ng pagtatapos ng kasalukuyang school year (2023-2024) ay sa May 31, 2024, samantalang sa susunod na school year (2024-2025) ay magiging sa July 29, 2024, na ang umpisa ng klase at magtatapos sa May 16, 2025. Ang hakbang na ito ay naglalayong suriin ang mga pangangailangan ng mga magaaral at guro, partikular na sa konteksto ng klima at panahon sa Pilipinas.

Bilang bahagi ng pagaaral, sinuri ng Philippine Normal University (PNU) ang kasalukuyang kalendaryo ng Basic Education School Year, na nagdulot ng mga rekomendasyon at panukala sa polisiya upang mapalakas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa pahayag ni Jerry Ymson, Education Program Supervisor – School Governance and Operations Division/Division Information Officer ng DepEd Baguio, hindi lamang ito simpleng paglipat ng petsa ng pasukan.

Binigyang-pansin din ng DepEd ang mga epekto nito sa mga bakasyon, partisipasyon ng mga estudyante tulad ng sa
sports, at handa ng bawat paaralan sa lungsod. Mula pa noong Pebrero 19, 2024, nagsimula na ang mga paaralan sa kanilang mga paghahanda upang tiyakin na handa sila sa mga pagbabagong ito. Sa pagpapatupad ng bagong kalendaryo, inaasahang makakamit ng mga paaralan ang kanilang mga pangunahing layunin tungkol sa edukasyon.

Gayunpaman, hindi pa ito ang huling hakbang. Sa tulong ng maayos na paghahanda at pagtutok sa mga
pangangailangan ng mga paaralan, inaasahang mapatatag at mapapabuti ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Irish Montano/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon