Baguio, Benguet officials nagkasundo sa 9 araw na border restriction

LUNGSOD NG BAGUIO – Ipagpapatuloy ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang implementasyon ng border control policy nito umpisa sa Nobyembre 26 hanggang Disyembre 4, 2020.
Sa isang close-door meeting ng mga mayor ng BLISTT sa Baguio Convention Center noong Nobyembre 25, inilatag ng mga mayor ang mga isyu at alalahanin ng kanilang mga nasasakupan hinggil sa border policy ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Napagkasunduan na magkakaroon ng mga pagbabago sa documentary requirements mula sa mga residente ng La Trinidad, Tublay, Tuba, at Sablan. Ang mga ito ay:
1) Medical clearance (sa halip na medical certificate) issued either by a government or private physician would suffice;
2) Medical clearances are effective for the duration of the border control policy. There is no need to obtain a new clearance after five days as required in the city’s earlier advisory. Umapela ang mga mayor ng Benguet sa kanilang mga residente na itigil na ang bashing dahil nagkasundo sila na ang temporary restricted access ay para sa kapuwa kabubuti ng mga residente ng BLISTT.
Ang intensiyon ng hakbang na nagpasiklab ng hiyaw at protesta mula sa mga mamamayan ng Benguet ay lubos na humupa at kalauna’y natanggap nina Mayor Mayors Romeo Salda ng La Trinidad, Manuel Munar Jr. ng Sablan, Clarita Sal-ongan ng Tuba at Armando Lauro ng Tublay at nagbibigay-daan para sa isang nagkakaisang pasiya na panatilihin ang pagpapatupad ng border requirements para sa mga residente ng BLISTT na pupunta sa Baguio hanggang Disyembre 4 habang inaayos pa ng mga bayan ang kanilang COVID-19 control strategies.
Inamin ng mga partido ang pagkukulang sa komunikasyon, koordinasyon at pamamahagi, nagpalitan ng paghingi ng paumanhin at nangakong pagbubutihin ang kanilang mga pamamaeaan at magtrabaho para sa isang mas nagkakaisang BLISTT.
Umaasa ang mga mayor na sa pagkakasundo, ang galit na dulot ng isyu ay mapapawi at ang mga residente ng BLISTT ay manunumbalik na magkasamang magtratrabaho na nagkakaisa upang makamit ang iisang layunin at adhikain ng economic cluster.
Sinabi ni Magalong na ipinasya nilang ayusin ang kanilang pagkakaiba at ang dipagkakaintindihan dulot ng isyu ay ariing isang “leksiyon na natutunan” upang ang mga lokal na polisiya na may ganung epekto ay malawakang matalakay at pagpasiyahan na sama-sama ng mga mayor sa kanilang sarili.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ni National Economic Development Authority-Cordillera Regional Director at Regional Development Council Vice Chair Milagros Rimando at key personnel mula sa nga LGU.
AR,JS-PIO/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon