Baguio-Benguet, talo sa bidding sa 2018 Palaro

Sep 30, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Tila isang bula na naglaho sa kamay ang inaasam ng lungsod ng Baguio at probinsya ng Benguet na makuha ang pagiging host ng 2018 Palarong Pambansa na nanatili na lamang isang pangarap sa ngayon.
Ito ay matapos na ang Palarong Pambansa Technical Evaluation Committee na pinangungunahan ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ay mas pinili ang Vigan City sa Ilocos Sur na pagdausan ng Palarong Pambansa.
Tinatayang mahigit 12,000 na estudyante sa elementarya at sekondarya mula sa 18 rehiyon ng bansa ang magpapaligsahan sa palakasan sa susunod na taon.
Ang iba pang naki-bidding ay ang mga lokal na gobyerno ng Bulacan, Marikina at Isabela.
Ang Palarong Pambansa, na pinakamalaki at prestihiyosong pampalakasan sa Pilipinas, ay hindi pa kailanman naidaos sa rehiyon ng Cordillera.
Personal na nagtungo sina Mayor Mauricio Domogan, Governor Cresencio Pacalso, La Trinidad Mayor Romeo Salda at iba pang lokal na opisyal, na kinabibilangan ng mga kinatawan ng DepEd-Cordillera, sa Maynila upang patibayin ang tsansa na mapili ang Baguio-Benguet sa bidding.
Sinabi ni DepEd regional information officer Georaloy Palao-ay na si Domogan ang tumayo at nagbigay ng presentasyon ng “Coolest Palaro” sa harap ng selection board. Itinampok nito ang magandang klima ng Baguio-Benguet, sapat na akomodasyon at sports facilities, tourist sites, at ang estado ng kaayusan at kapayapaan.
Ani Palao-ay, nakuha ng Baguio at Benguet ang pinakamataas na puntos sa akomodasyon at sports facilities, ayon sa inspection team na nauna nang bumisita upang suriin ang mga pasilidad dito. Sinamahan ang mga ito ng lokal na sports officials sa pangunguna ni city sports coordinator Gaudencio Gonzales.
Sa kabila ng naging resulta ng bidding, tinanggap ng tatlong namumuno sa Baguio-Benguet ang naging desisyon ng Palaro board at sinabi nilang sasali muli sa bidding sa hinaharap.
Nagpasalamat din sila sa lahat ng sumuporta sa “Coolest Palaro” na kinabibilangan ng mga pribado at pampublikong institusyon, kapulisan, media, mga ahensya ng gobyerno, volunteers, utility companies, at marami pang iba. GABY KEITH / ABN

RELATED POSTS

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro)...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest