Baguio City night market, palalawakin

Sep 30, 2017

Inaprubahan ng Baguio City Market Authority (BCMA) ang proposal na paglalagay ng extension ng night market area na ngayon ay sasakupin na ang parking spaces sa Perfecto Street upang may mapaglagyan ang mga walk-in vendors gabi-gabi.
Nais ng pamahalaang lungsod na ayusin ang naturang lugar na maging komportable at ligtas para sa mga nagtitinda at publiko dahil sa nakukuhang atensyon ng night market mula sa mga residente at mga turista.
Tinatayang nasa 160 vendors ang maaaring magtinda sa extension area, ayon sa inisyal na pagsusuri ng City Engineering Office.
Sa kasalukuyan, may nagtitindang 1,068 vendors gabi-gabi sa night market sa Harrison Road. Sa naturang bilang, 960 ang nagtitinda ng dry goods at 60 naman ang food vendors habang 48 ang roving sellers.
Maglalagay rin ng mas maayos na ilaw sa extension upang makita ng mga bumibili ang mga paninda.
Para sa paglalagay ng ilaw sa extension ay kakailanganin ng lungsod ang hindi bababa sa P264,000.
Sinabi ni City Engineer Elpidio Garabiles kay Mayor Mauricio G. Domogan na sa mungkahing paglalagay ng ilaw sa Perfecto Street ay kasali na ang supply ng Light Emitting diode (LED) na siyang gagamitin upang makatipid sa kuryente para sa mga ilaw ng extension.
Sa utos ng BCMA ay ipinasa rin ni Garabiles ang inihandang cost estimate at timetable ng proyekto kay City Treasurer Alex Cabarrubias para mapaglaanan ito ng pondo.
Sisimulan ng BCMA ang screening ng mga kwalipikadong aplikante na nais magtinda sa extension kapag natapos na ng city engineering office ang pagsusukat sa mga stalls at paglalagay ng mga ilaw.
Ang night market extension ay gagamitin lamang para sa dry goods upang mapanatili ang kalinisan ng lugar kapag umaalis na ang mga vendor sa kanilang mga pwesto tuwing madaling araw.
Iminungkahi ni Garabiles na ang pondo na gagamitin sa extension ay maaaring kunin mula sa trust fund ng night market operation upang agad na makompleto ang proyekto.
Sinabi ng BCMA na ang pag-apruba sa extension ng night market sa Perfecto Street ay makakatulong upang mapaluwag ang 500 metrong kahabaan ng Harrison Road kung saan nagsisiksikan ang mga nagtitinda at bumibili at maiwasan ang mga insidente ng petty crimes gaya ng pandurukot, dahil sa itinuturing na maluwag na seguridad sa operasyon ng night market.
Itinalaga rin ang mga pulis at mga barangay tanod na kasama ng Public Order and Safety Division (POSD) para sa seguridad ng lugar.
Ang night market ay nagsisimula kada ika-9 ng gabi hanggang sa ika-2 ng madaling araw. Nagbibigay ito ng average na P1.5 milyon na buwanang kita ng lungsod na kinukuha mula sa P50 kada gabi na binabayaran ng bawat night market vendor. May ulat sina LIZA AGOOT at DEXTER SEE / ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest