Baguio gamit ang tracking sytem para matukoy ang mga lugar ng COVID-19

LUNGSOD NG BAGUIO – Ginagamit na ng pamahalaang lungsod ang isang tracking system upang tukuyin ang mga lugar kung saan nakatira ang mga taong posibleng nagdadala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ginawang paglibot sa sistema noong Huwebes ay sinabi ni Philip Puzon, Chief of Staff ni Mayor Benjamin Magalong na ang Endcovid-19 system ay ginagamit upang masubaybayan ang mga pasyente ng COVID-19 at matulungan ang mga local na opisyal sa paggawa ng desisyon sa mga polisiya hinggil sa mga hakbang masugpo ang pandemya.

Sinabi ni Michelle Junio, isang miyembro ng case tracking team na ginagamit nila ang isang geographical information system (GIS) na isang lumang sistema na sinimulan ni Magalong sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR) nang siya ay regional director upang masubaybayan ang mga krimen.

“We are putting it into a map so we can have visual representations kung saang areas may confirmed (cases), possible cases na magagamit in decision making, kung anong area ang ilo-lock down, lalagyan ng checkpoint at babantayan,” ani Junio.

Ang database ng sistema ay impormasyon sa confirmed cases ng COVID-19 mula sa ibaibang ospital sa lungsod. Sinabi ni Dr. Donnabel Tubera-Panes, city Health Services Office-Epidemiology and Surveillance Unit (HSO CESU) chief na ang Endcovud-19 tracking system ay isang preventive measure kung saan matutukoy ng lungsod ang mga kinakailangang ma-isolate o ma-quarantine.

Sinabi niya na ang contact tracing ay isang mahalagang salik na tinukoy ng University of the Philippines (UP) resilience team bilang isang hakbang na makakatulong masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

“With this, we can already tell persons to stay away from the others, thus preventing possible spread of the disease,” aniya.

“That is the cheapest way to prevent the spread of disease because all you have to do is to lock in people. You don’t need medicines, extra hospital beds, or all these expensive mechanical ventilators and everything,” dagdag niya.

Dahil sa sitwasyon kung saan may kakulangan sa test kits ay sinabi ni Tubera na mas mabuting i-prioritize ang mga taong high-risk para sa testing.

LA-DDJr.-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon