BAGUIO HAHABULIN MGA MAY-ARI NG BAHAY NA BUMABALEWALA SA CLEAN-UP DRIVE

LUNGSOD NG BAGUIO

Papalitang ng pamahalaang lungsod ang estratehiya nito sa pagtugon sa dumaraming mga kaso ng dengue sa paghabol sa mga may-ari ng bahay na nabigong sumunod sa clean-up drive. “We have obtained a go-signal from the mayor to coordinate with the BCPO (Baguio City Police Office) in implementing the anti-dengue ordinance,” ani Miller Balisongen, sanitary inspector ng City Health Services Office (CHSO), sa isang media interview noong Huwebes.

Sinabi niya na ang mga miyembro ng BCPO, HSO personnel, at mga opisyal ng barangay ay bibisita sa mga
sambahayan upang tingnan hindi lamang ang nakikitang mga lugar kundi iinspeksiyunin din ang pagkakaroon ng mga pamugaran ng mga lamok. “Initially, we would just be advising on cleaning of their immediate surroundings but
residents might see themselves facing problems if they continue to neglect to manage the cleanliness of their
surroundings, “ aniya.

Ang Consolidated Anti Dengue Ordinance na anging epektibo sa first quarter ng taong ito ay nag-uutos sa mga
residente na maging mas proactive sa pakikilahok na maiwasan ang mga banta sa kalusugan habang idineklara n
mga awtoridad sa kalusugan na ang mga sakit dahil sa lamok gaya ng dengue ay hindi na isang pana-panahong sakit na tumataas sa tag-ulan ngunit naging isang-buong-taong problema.

Ipinakita ng datos ng HSO na 376 mga kaso ng dengue mula Hunyo 1 hanggang 26 ng taong ito, tumaas mula sa 75 mga kaso mula Hunyo hanggang 30, 2023. Sinabi ni Balisongen na ang pagbabago sa estratehiya ay nakatutok sa pagpapabago sa pattern ng pag-uugali ng publiko. “The solution to dengue is not just the government’s concern because mosquito breeding grounds are not in common areas and public places but in the homes, in the
residential compounds, which are not accessible to the government to clean.

The responsibility of cleaning the homes and backyards is the occupants, the owners and it is about time people realize this,” aniya. Idinagdag niya na “when our personnel visited the homes of dengue patients where there is clustering, we even saw mosquitoes breeding.” “Their loved ones are already sick of dengue yet they continue to refuse to destroy breeding places and that poses risks to more members of the family, their neighbors, and the
community in general,” aniya.

(LA-PNA CAR/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon