Baguio handa sa tagtuyot

Apr 8, 2017

Suplay ng tubig, tipirin – BWD

LUNGSOD NG BAGUIO – Sa opisyal na pagdedeklara ng pagsisimula ng tagtuyot mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) noong ika-5 ng Abril ay nagpahayag ng kahandaan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa lungsod.
Babala ng Pagasa na magpapatuloy ang pagtaas ng temperatura sa tinaguriang summer capital ng Pilipinas bagaman sa kasalukuyan ay nakakaranas ng biglang paglamig ng temperatura pagsapit ng gabi at madaling araw.
Ayon kay Wilson Lucando ng Pagasa-Baguio, ito ay dahil hindi pa ganap na nawawala ang North East Monsoon na namumuo at nagmumula pa sa malalamig na lugar tulad ng Siberia, Mongolia, at Hilagang China.
Aniya, mayroon pa ring posibilidad na pumasok ang isang bagyo sa bansa kahit na tag-init.
Naitala noong ika-14 ng Marso ang tinatayang pinakamainit na temperatura ngayong taon na umabot sa 27.6 degrees Celsius, samantalang 25.6 degrees Celsius naman ang tinatayang pinakamainit ngayong Abril na naitala noong ika-6. Inaasahang maglalaro sa 14 degrees Celsius hanggang 25 degrees Celsius ang temperatura sa mga susunod na araw.
Kaugnay nito ay puspusan ang naging paghahanda ng Baguio Water District (BWD) sa inaasahang pagbaba ng suplay ng tubig dahil sa tagtuyot. Nagsagawa ng mga hakbang ang BWD upang mapagaan ang panahon ng tag-init at matugunan ang pangangailangan ng bawat konsyumer ng tubig sa Baguio City.
Ayon kay BWD public information officer Mark Pasagoy, parte ng kanilang taunang contingency plan ay ang pagkontrol ng suplay ng tubig.
Aniya, sa pangahong ito ng taon umaasa ang BWD sa mga water reserves tulad ng Mount Sto Tomas rain basin upang matugunan ang pangangailangan ng syudad sa tubig.
Inaantabayanan din ng BWD ang pagdating ng malaking bilang ng turista ngayong tag-araw, kaya naman binabalanse nila ang pagsusuplay ng tubig.
Tinitignan din ng BWD ang Bulk Water Supply Project (BWSP) na maaring maging pangmatagalan na solusyon sa kakulangan ng suplay ng tubig.
Sa ngayon, hinihintay ng BWD ang resulta sa ginagawang pag-aaral ng Maynilad, Ayala-led Manila Water Company, at Prime Water Infrastructure Corporation patungkol sa BWSP.
Kapag naisakatuparan ang nasabing proyekto, makakapagsuplay ng 52,000 cubic meters sa isang araw at maaari pa itong tumaas ng 4,000 hanggang 5,000 cubic meters sa isang araw sa panahon ng tagtuyot.
Hinimok ng BWD ang publiko na magtipid ng tubig upang maiwasan ang kakulangan nito. Maaaring makatipid ng tubig sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kagubatan, lalo na ang mga water reserves. Pati ang simpleng paggamit ng baso sa tuwing magsisipilyo ay maaaring makatulong sa pagtitipid ng tubig. Iminungkahi rin ng BWD ang water harvesting tuwing umuulan. Maaring gamitin and nalikom na tubig ulan sa pagdilig ng mga halaman at iba pa.
Binigyang-diin ng BWD na isa sa pinakaimportanteng hakbang upang makatipid ng tubig ay ang pagsiyasat na walang tagas ang mga linya ng tubig ang mga kani-kaniyang kabahayan pati na rin sa mga kalsada. Celina Cleofe O. Padernal at Rozienna Rosales / UC Interns / ABN

RELATED POSTS

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest