Baguio humakot ng ginto sa CARAA 2017

Feb 11, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Muling humakot ng gintong medalya ang mga atleta ng lungsod matapos na itanghal bilang overall champion ang Baguio City sa katatapos na Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) Meet 2017.
Sa kanyang Ugnayan noong Pebrero 8 ay ipinagmamalaking ibinalita ni Mayor Mauricio Domogan na ang mga delegado ng Baguio ang magiging kinatawan ng rehiyong Cordillera na makikipagtagisan sa Palarong Pambansa.
Nagwagi sa Elementary Division ang Baguio sa 85 gold, 45 silver at 21 bronze na medalya. Pumangalawa naman ang Benguet na may 18 gold, 34 silver at 28 bronze medals. Pumangatlo ang Apayao sa 11 gold, 12 silver at 20 bronze. Pang-apat ang Abra, panglima ang Kalinga (Tabuk City), pang-anim ang Mt. Province at panghuli ang Ifugao.
Sa Secondary Division ay nanguna pa rin ang Baguio na may 147 gold, 67 silver at 38 bronze medals. Nanatili sa pangalawang pwesto ang Benguet na may 15 gold, 44 silver, at 55 bronze. Umangat naman ang Mt. Province sa ikatlong pwesto sa 11 gold, 15 silver at 38 bronze. Pang-apat ang Kalinga (Tabuk City), panglima ang Apayao, pang-anim ang Ifugao at ang panghuli ay Abra.
Sa overall medal tally, ang Baguio ay may 232 gold, 112 silver, 59 bronze. Ang Benguet ay may 33 gold, 78 silver, 83 bronze; sa Mt. Province ay 18 gold, 20 silver, 62 bronze; Kalinga (Tabuk City) ay 16 gold, 37 silver, 36 bronze; Apayao, 16 gold, 33 silver, 61 bronze; Ifugao, 10 gold, 36 silver, 72 bronze; at Abra, 10 gold, 19 silver, 32 bronze.
Tumaas sa 20 gold ang nakuha ng Baguio City ngayong 2017 kumpara noong nakaraang taon.
Samantala, nagkaroon ng special awards at makakatanggap ng tig-P10,000 cash ang Baguio Central School para sa Most Clean School, Kalinga (City of Tabuk) para sa Most Delegation at ang Cleanest and Greenest Delegation ay ang Mt. Province.
Ayon kay Domogan, naging maayos ang pagdaraos ng CARAA 2017 kabilang na ang facilities na nagamit at peace and order.
Aniya, maaari nang kunin ng mga nanalong atleta ang kanilang mga insentibo sa Accounting Division ng lungsod. Nakahanda na rin ang pondo para sa transportasyon, pagkain at allowance ng delegado ng Baguio para sa Palarong Pambansa.
“They will earn honor not only for themselves but also for the city of Baguio and the entire Cordillera Administrative Region,” aniya. Jessalyn M. Soreno, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest