Baguio lilimitahan pa rin ang paggalaw ng mga turista

LUNGSOD NG BAGUIO – Kahit linuwagan na ang mga restriksiyon sa mga turista simula Setyembre 22 ay mahigpit pa ring susubaybayan ng Lungsod ng Baguio ang mga paggalaw nila habang tinatanggap ang mga hinaing ng mga kalapit na bayan sa Benguet na prinoprotektahan ang kanilang teritoryo mula sa impeksiyon ng virus ng COVID-19.
Nagbigay ng paniniguro si Baguio City Tourism Officer Alloysius Mapalo matapos naunang lagdaan ni Mayor Benjamin Magalong ang isang memorandum of understanding sa mga opisyal at kinatawan ng iba’t-ibang probinsiya at lungsod ng Ilocos Region kasama ang Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat para sa pagbubukas ng lungsod.
Ito ay bahagi ng hakbang na buhayin ang industriya ng turismo na lubos na naapektuhan sa panahon ng mga quarantine at lockdown. Nauna dito ay bagama’t naiintindihan at nirerespeto ni Benguet Governor Melchor Diclas ang desisyon ng Lungsod ng Baguio ay sinabi niyang,” it should also be proper that there was a coordination with its neighboring municipalities since the city is still inside Benguet province.”
Other members of the Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba and Tublay (BLISTT) should have been at least consulted, dagdag niya. Habang sinabi ni Tuba Mayor Clarita Sal-ongan na,
‘ang mga turistang pupunta sa Baguio City ay dadaan sa kaniyang bayan’.
Inamin ni Mapalo na tinatanggap nila ang mga hinaing kaya nag-udyok sa kanila na gumawa ng mga gabay at polisiya para mahigpit na susundin ng mga turista. Maliban sa pre-registration sa online, sinabi niya na magkakaroon ng limitadong stop-overs sa kahabaan ng biyahe na Ilocos Norte at Ilocos Sur lamang. Ayon kay Mapalo ay walang stop-over sa Pangasinan, La Union at lalo na sa Benguet.” There will be no stop-overs within these areas so not to distract the daily routines in the areas,” ani Mapalo.
Sinabi ng opisyal ng turismo na kailangang mag-book ang mga turista sa mga hotel at walang sinuman ang papayagang manatili sa kanilang kamag-anak o kaibigan sa lungsod ng Baguio. Ito ay upang maisagawa ang mahigpit na pagsubaybay sa kanilang mga paggalaw. Idinagdag ni Mapalo na hindi pupunta ang mga turista sa labas ng Lungsod ng Baguio.
AAD/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon