BAGUIO CITY
Ipinahayag ni Mayor Benjamin Magalong na ang pamahalaang lungsod ay naghahanda ngayon ng P5 milyon na ipapadala bilang monetary assistance sa mga local government units na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng mga bagyong “Kristine” at “Nika.” Ayon kay Si Magalong, na siya ding head ng City Disaster Risk Reduction and
Management Council (CDRRMC) ang nasabing pondo ay mula sa DRRM Quick Response Fund para sa tulong pinasyal sa mga lalawigan ng Batanes, Albay, Cagayan, Isabela at Apayao.
Aniya, ang bawat probinsya ay tatanggap ng P1 milyong piso mula sa pamahalaang lungsod sa oras na aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang paglalabas ng pondo. Nagpapasalamat si Magalong na nailigtas ng maagang paghahanda at pagpapagaan ang lungsod mula sa epekto ng bagyo ngunit nakikita niya ang pangangailangang tumulong para maibsan ang kalagayan ng iba pang LGU na lubhang naapektuhan ng mga kalamidad.
Ipinaliwanag ni Local Disaster Risk Reduction Management Officer V Engr. Charles Bryan Carame na ang paglalaan ng pondo para sa donasyon ay batay sa naiulat na bilang ng mga apektadong pamilya at sa mga nagkaroon ng mataas na bilang ng mga nasirang bahay. Habang ang state weather bureau ay nagtataya ng higit pang mga kaguluhan sa
panahon na nakakaapekto sa Northern Luzon sa mga susunod na araw, ang pamahalaang lungsod ay umaasa na ang maagang paghahanda at pagpapagaan gayundin ang mga mekanismo ng pagtugon sa lugar ay panatilihing ligtas ang lungsod at ang mga residente nito.
November 23, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024