BAGUIO MALAPIT NA SA VACCINATION POPULATION TARGET

BAGUIO CITY – Inaasahan ni Mayor Magalong na sa unang linggo ng Disyembre ay matatapos na ang 95 porsiyentong vaccination target mula sa edad na 18 pataas at maabot ang kabuuang papulasyon bago matapos ang 2021.
Basa sa latest census ng city’s population na may kabuuang 366,000, ang city’s eligible population para sa vaccination ay 281,000 at 95 percent of it is 266,950.
Sa daos mula Oktubre 10, may kabuuang 207,626 o’ 73.86 percent ang nabakunahan na ng first dose ng vaccine, samantalang 163,554 o’ 57.80 percent ang nabigyan na ng full doses.
Ayon kay Magalong, ang nasabing target ay posibleng magbago kapag ang vaccination rollout mula sa 17 years old at below age group ay magsimula na.
“Sinabi sa akin ng vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang siyudad at iba pang lugar sa bansa ay puwede ng magsimula ng bakuna sa mga edad 15 hanggang 15 sa Nobyembre.”
Ayon kay Asst. City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes, para sa 18 years old pataas, ang health department ay kailangang mabakunahan na ang natitira pang 30,000 essential workers o’ A4 category at 7,000 indigents o’ A5.
Aniya, base ito sa bilang na nag-parehistro sa the city’s vaccination registration site mula noong Oktubre 6.
Bukod sa kategoryang ito ay mayroon pang nabibilang sa A6 o’ rest of the population category. Ayon kay Magalong, sa ginawang verification at cleansing sa data ay napag-alaman na ma 15,000 immunized individuals ang hindi taga siyudad ng Baguio.
“But we are not taking it against them since it is also our way of helping other local government units which I am sure did the same thing for our residents in similar situation,” pahayag ni Magalong.
Katunayan, aniya ay inumpisahan na din ang vaccination program sa mga karatig-bayan ng Benguet na workers sa lungsod.
Ayon kay Magalong, ang siyudad ay handang mabakunahan ang mga Baguio workers na residente ng La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay (LISTT).
“Kapag majority have been immunized, ang coverage ng vaccination coverage ay pwede ma-extend sa mga pamilya ng mga workers na ito, gayung may enough resources tayo ng vaccine supply at facilities.”
“We belong to one community and these workers are coming in and out of Baguio so we need to help each other. Otherwise, we won’t be able to stop the virus transmission if we are vaccinated and our neighbors who mingle with us are not,” wika pa ni Magalong.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon