Baguio minamadali ang delivery ng Covid-19 test kits

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong noong Martes na nagkukumahog na sila sa magkaroon ng sapat na test kits sa mga medical facilities upang labanan ang coronavirus disease (COVID-19) dito.

Hanggang noong Mayo 5 ay dalawa pang pasyente ang nakarekober at pinalabas na, kaya nasa kabuuang 15 recoveries na sa loob ng isang buwan.

May kabuuang 14 pasyente ang nananatili sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC). Nakapagrehistro ang lungsod ng isang pagkamatay mula sa virus.

“Our problem is testing issues… we don’t have testing kits,” pahayg ni Magalong sa isang media interview sa city hall.

Ang BGHMC na isang accredited testing center sa bansa ay nakakuha ng 3,000 test kits noong nakaraang linggo kung saan 350 ang ginamit para sa mga residente. “Lahat ubos na,” ani Magalong.

Sinabi ni Magalong na nakakuha sila ng test kits katulad sa tatlong rehiyon sinisilbihan ng center – Regions 1 (Ilocos Region), 2 (Cagayan Valley) at ang Cordillera Administrative Region (CAR), kung saan may apat na milyon tao ang naninirahan.

Nitong Lunes ay ipinahayag ng mga konsehal ng lungsod ang pangangailangang pabilisin ang pagbili ng kinakailangang test kits.

Inadopt din ng mga konsehal ang isang resolusyon na nag-uudyok sa Department of Heamth at ang Research Institute for tropical medicine (RITM) para sa paglabas ng test kits na donasyon ng SM sa lungsod.

Samantala ay sinabi ni Magalong na naglaan ang lungsod ng PhP10 milyon upang pambili ng 10,000 test kits mula sa University of the Philippines.

Subalit ang mga test kits na ito ay hindi mailalabas dahil sa isyu ng quality control ayon sa RITM.

Sinabi ni Magalong na 3,000 test kits lamang ang maaaring mabili mula sa badyet dahil sa kinakailangang magagamit.

Sinabi ni assistant city health officer Dr. Celia Flor Brillantes na ang pagtaas ng sakit ay noong Abril 30 sana ngunit dahil sa kakulangan ng test kits ay nakaantala sa mga opisyal ng kalusugan na tukuyin ang tunay na larawan.

Sinabi niya na kailangan ng lungsod ang kahit 140,000 natest na tao mula sa mahigit 400,000 populasyon upang madetermina ang talagang lawak ng pagkahawa.

PL-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon