Baguio naghahanda sa pagbukas ng turismo

Pinaghahandaan ngayon ng city government ang pagpapatayo ng centralized triage center sa Baguio Convention Center na inaasahang magiging operational sa Setyembre 16, bilang paghahanda sa posibleng pagdagsa ng mga returning residents, OFWs at potential visitors mula sa Rehiyon 1 kaugnay pagbubukas ng turismo sa Setyembre 21.
Sa inaasahang pagtaas naman ng bilang sa kaso ng coronavirus disease (COVID-19) dulot ng agresibong implementasyon ng expanded testing at contact tracing ay pinalawak din ang kapasidad ng isolation unit sa dating Sto. Niño Hospital mula sa 90 to at least 400 beds bago matapos ang buwan ng Oktubre.
Nabatid kay City Administrator Bonifacio dela Peña, ang pagpapatayo ng central triage center ay nasa finishing touches na at unti-unti ng nililipat ang mga equipment mula sa Saint Vincent gymnasium.
Ayon kay Dela Peña ang bagong triage center ay 24 hours operational, fully lighted, may sufficiently parking at malawak na waiting area. May tatlong triage booths na mag-aaccommodate each sa siyam na katao at the time at may mga triage personnel na mamahala para sa strict observance ng physical distancing habang ang iba ay nag-aantay sa sumailalim sa required checkup.
Ang triage center para sa returning Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Roxas Hall ng Baguio Teachers’ Camp ay inilipat sa Benitez hall na mas malawak at may mga parking spaces at waiting area.
Ang bagong centralized triage center na ngayon ay nasa sentro ng lungsod ay pangangasiawaan ng City Health Service Office para masiguro na magiging smooth ang operation nito.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong pananatilihin ng siyudad ang operasyon ng dalawang triage centers upang maging alternibong triage center na magsisilbi bilang back- up kapag nagkaroon ng overcrowding sa center mula sa inaasahang pagdagsa ng returning city residents, returning OFWs at mga turista mula sa Rehiyon 1 sa pagbubukas ng turismo sa Setyembre 22.
Improvements ng isolation units Sa nakalipas na 10 araw ng Setyembre, ang siyudad ay nakapagtala ng 71 COVID-19 patients, na 19 dito ay naitala noong Setyebre 10.
Ayon kay Dela Peña, ang upgrading ng mga isolation unit ay bilang paghahanda sa posibleng pagtaas ng bilang ng pasyente kaugnay sa pinalawig na expanded testing at contact tracing sa lungsod.
Aniya, sinimulan na ang improvement ng Sto.Niño isolation facility on per floor basis para sa untiunting pagtaas ng kapasidad nito hanggang maabot ang maximum capacity na 400 beds bago matapos ang buwan ng Oktubre.
Tinatapos na din sa kasalukuyan ang 16 bed isolation unit sa BCC grounds para sa agarang isolation na irerekomenda ng health officials, samantalang nilalakad din ng city na madagdagan pa ang isolaton unit sa Baguio Teachers Camp.
Ang pagpapatayo ng central triage at pagpapalawak ng mga isolation unit ay prioridad ng city officials upang maibsan pa ang pagkalat o’ pagtaas ng bilang ng COVID-19 case, bilang paghahanda sa “new normal” tungo sa muling pagbangon sa ekonomiya na nalugmok dulot ng pandemya.
Zaldy Comanda/ABN
 

OUR OWN

Amianan Balita Ngayon