BAGUIO NAGPATUPAD NG BAGONG REGULASYON AT BAYAD SA ORGANIZER NG PATAKBO AT IBA PA

BAGUIO CITY

Inilabas ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang bagong regulasyon sa mga organizer ng mga Patakbo o Fun Run at iba pang akbidades na may kaukulang bayad na ang mga ito. Sa nasabing Ordinasa na may No. 89, series of 2023 ma nagsasaad ng bagong regulasyon at panuntunan sa mga organizer ng fun run at iba pang paligsahan sa Summer Capital ito ay upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga manlalaro.

Ayon sa ordinansa kinikilala ng lokal ng pamahalaan ng Baguio ang mga isinasagawang fun run dahil nagdudulot ito ng kalusugan sa mga tao at isa ring daan sa mga ginagwang mga “advocacy and charitable activities” . Isa rin ito upang maging daan sa pagpapaunlad ng palakasan at
nakakatulong sa pagpapaunlad ng turismo ng lunsod.

Nakasaad sa ordinansa “As fun runs, foot races and other similar events affect the traffic situation of the city, the environment and whenever the city is placed under storm signals or during inclement weather, the city of Baguio shall provide various provisions to ensure safe and orderly
conduct of different activities of the organizers, participants and the city itself, involved in the
said event”.

Ayon sa ordinansa tanging mga Baguio-based na organizer mga sports director ang bibigyan ng akreditasyon ng City council sa pamamagitan ng pag-apruba ng isang resolution upang magsagawa ng fun run at iba pang aspeto ng pampalakasan . Nakasaad din sa resolusyon na maari silang
magsagawa ng promosyon, solicit sa kanilang isasagawang fun run sa lunsod.

Ang mga organizer ay maaring magsumite ng kanilang “Letter of Intent “na nakasaad ang kanilang
mga aktibidades sa tanggapan ng Committee on Youth Welfare and Sports Development na kung
saan ay idudulog naman nila ito sa tanggapn ng City Council. Ang akreditasyon ng mga bagong
organizer ay magagamit nila sa loob ng isang taon lamang subalit sa mga naunang organizer ay
magagamit sa loob ng tatlong taon.

Ang mga organizer na nais mag-renew ng kanilang akreditasyon ay kailangan na isumite ang
kanilang mga naging matagumpay na mga isinagawang akbidades sa tanggapan ng Konseho na
gamit ang isang template na galing sa tanggpan ng City Sports Office. Kapag dayuhan sa Baguio City ang magsasagawa ng “fun run” ay kailangna nilang maki tie up sa mga accredited Fun run organized na Baguio City.

At lahat ng magsasagawa ng fun run ay kailangan na makipag ugnayan sila sa tanggapan ng City Sports Office upang mailahad ang isasagawang fun run o anumang karera ng tao sa lunsod.
Races for a cause must have a Solicitation Permit from the City Social Welfare and Development
Office pursuant to Ordinance No. 59 series of 2013, with financial reports and documentation on the turn-over of proceeds to identified beneficiaries.

Ang mga Organizers ng fun run ay kailangan na magbayad sa tanggapan ng City Treasurer’s
Office na may ibat-ibang kategorya, sa Lokal P 1,000.00 , kapag Regional P5,000.00 kapag national P10,000.00 at pag international ay P15,000.00 Kailangan din na makipag-ugnayan sila sa tanggapan ng Traffic Management Office ng Baguio City Police Office upang mabigyan sila ng seguridad at maalalayan sa trapiko.

Ang kanilang permit sa lokal na event ay dapat sa loob ng 30 na araw na palugit bago ang araw ng kompetisyon sa national at international dapat may palugit na 180 na araw bago isagawa ang nasabing event. Bukod dito, lahat ng organizer at director ay magbibigay ng depesito na may halagang P3,000 sa lokal na magagamit sa loob ng tatlong taon. Sa regional at national ay P15,000.00 at sa international ay P50,000.00 bilang security bond per activity. Ito ay nakapaloob din bilang environmental security bond.

Subalit ang mga security bond na ito ay refundable sa loob ng 3o na araw matapos ang nasabing activities subalit magsasagawa ng ebalwasyon ang syudad kung may nasira bas a kapaligiran o wala ang unang opensa ay P 3,000 ay masususpendi ng 6 na buwan sa ikalawang opensa ay P4,000.00 na masuspendi sa loob ng 12 buwan at pangatlong opensa ay P5,000.00 na masuspendi sa loob ng 18 buwan. Sa sinumang oraganizer na lalabag sa nasabing ordinasa ay magmumulta ng P5,000.00 at hindi makakapagpalaro sa loob ng tatlong taon.

JMPS

Amianan Balita Ngayon