Baguio nakiisa sa pagdiriwang ng National Nutrition Month

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Nutrition Month ngayong taon na may temang “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon Aanihin”.
Ginanap ang launching ng National Nutrition Month noong ika-2 ng Hulyo (Lunes) kasabay ng flag raising ceremony sa pangunguna nina Mayor Mauricio Domogan at Councilor Elaine Sembrano, ang head ng committee on health and sanitation kasama ang mga ibang konsehal.
Masayang iniulat ni Sembrano na nakuha muli ng lungsod sa pangalawang pagkakataon ang Maintenance Award bilang Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition  na may very good score na 97.8%  para sa taong 2017. Ginanap ang evaluation ng lungsod noong ika-23 hanggang 27 ng Abril ng National Nutrition Team.
Limang barangay ang napili ng mga evaluators kabilang ang mga taga-Santo Rosario, Scout Barrio, Queen of Peace,  City Camp Central at Lower Quirino Hill.
Bukod pa rito, puno ng mga aktibidad ang pagdiriwang ng National Nutrition Month sa lungsod na kinabibilangan ng Nutri Agri Booth Fair na nagsimula noong Hulyo 2 (Lunes) at magtatapos sa Hulyo 6 (Biyernes) sa Health Service Compound. Magkakaroon din ng search para sa Cleanest and Healthiest Canteen na paparangalan sa Hulyo 27 sa PFVR. JEZZA MAEH NAGAYOS, UC INTERN

Latest News

Amianan Balita Ngayon