BAGUIO NASA ALERT LEVEL 1 PA RIN SA KABILA NG PAGTAAS NG COVID CASES

BAGUIO CITY

Sa kabila ng unti-unting pagtaas ng kaso ng Covid, ay nanawagan ang Department of Health sa publiko na panatilihin pa rin ang minimum health protocol at maging maingat sa mga lugar na kinakailangang gumamit ng face mask. Ang panawagan ay kaugnay sa patuloy na pagtaas ng Covid cases,pero nananatili pa rin na nasa alert level 1 status ang Summer Capital. Ang pabago-bago ng
weather sa lungsod ang posibleng dahilan kung bakit madaling magkasakit ang isang tao.

Sa kasalukuyan, mayroong 183 active cases na binabantayan sa lungsod at ang daily average ng kaso bawat araw ay 29. Ang kabuuan na bilang ng kaso sa Baguio City mula noong 2020 hanggang Mayo 9, 2023 ay 130,144. Karamihan sa kaso ng Covid sa lungsod ay naitala na mild lamang,kaya maaring mag self-isolate na lamang, kaya naman mababa ang healthcare utilization rate o HCUR sa
siyuda. Ayon sa DOH, karamihan sa mga kasong naitala ay madalas nanggaling sa mga closed settings kagaya ng mga ospital, mall, at eskwelahan.

Pinapaalala nila na magingat ang mga mamamayan tuwing pumapasok sa mga lugar na posibleng magpataas ng transmission ng Covid-19. “Kung ikaw po ay pupunta sa isang lugar, bago ka
pumasok, nakita mo wala silang mga mask, hindi maganda yung ventilation, probably pumunta ka na lang or lumipat na lang po sa ibang lugar na maganda ang ventilation,” pahayag ni Karen Lonogan, Nurse V ng DOH-Cordillera.

Thea Sherina Cathelin Rillera -UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon