Baguio night market magsisimula sa Disyembre 1, may pangamba(para sa pagtataguyod ng kabuhayan)

LUNGSOD NG BAGUIO – Trinabaho ng pamahalaang lungsod ang muling pagbubkas ng night market sa Harrison Road na puntiryang umpisahan sa Disyembre 1 upang tugunan ang hinaing ng mahigit 1,000 vendors na naapektuhan ang kabuhayan sa pagsasara ng kanilang negosyo dahil sa pandemya sa coronavirus disease COVID-19.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na ito ay bahagi ng “new normal direction” ng lungsod sa muling pagububukas ng ekonomiya upang panumbalikin ang kabuhayan ng mga tao kaalinsabay ng pagsunod sa mahigpit na health at safety protocols bilang sanggalang laban sa sakit.
Sinabi ni Market Superintendent Fernando Ragma Jr. na ang ground preparation ay nag-umpisa na at siniguro na ang physical arrangement ay makakasunod sa health standards lalo na ang hindi pagpayag sa dating masikip na kalagayan at pagkakaroon ng mas maluwag na espasyo para sa mga customer alinsunod sa alituntunin ng physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ang mga sukat ng mga puwesto ay babaguhin mula 1.5 meters by 1.5 meters hanggang 2 m by 2 m at ang dating limang lane ay magiging tatlo upang magkaroon ng mas maluwag na espasyo para sa mga customer. Ang mga iskinita ay mapapaluwag din sa limang metro na husto para magkasiya ang isang fire truck.
Inumpisahan na ng City Engineering Office sa ilalim n Engr. Victorio Olpindo ang pagpipimtura sa mga marker at pagsasaayos ng lighting system sa lugar. Sinabi ni Ragman a isang set ng operational guidelines ang isinumite kay mayor para aprubahan. Panukala na ang oras ng operasyon ay mula 8:00 p.m. hanggang 11:30 p.m. na sinang-ayunan ng Baguio City Police Offce sa ilalaim ni City Director PCol. Allen Rae Co.
Limampung porsiyento lamang ang papayagang magbukas bawat linggo kaya ang mga vendor ay hahatiin sa dalawang grupo na salitang magbebenta. Mayroong kabuuang 481 concessionaires (433 dry goods and 48 food) na papayagang mag operate sa isang araw.
May ginawa ring health at safety protocols kasama ang Baguio City Market Authority task force at ang City Health Services Office Sanitation Divison sa ilalim ni Engr. Charles Carame. Sa napagkasunduan, bawat block ng vendor ay magkakaroong ng sariling Health Protocol Officer (HPO) upang tumulong sa lungsod sa pagpapatupad ng health protocols.
Sinabi ni Ragma ma ipagpapatuloy nila ang pakikipag-ugnayan sa mga vendor at kinauukulang mga ahensiya upang masiguro na ang paghahanda ay magiging maayos. Magsasagawa ng training at orientation ng block leaders upang gabayan sila sa tamang implememtasyon ng health protocols.
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon