Baguio pinalawig ang suspensiyon ng klase sa Mayo 31

LUNGSOD NG BAGUIO – Iniutos ni Mayor Benjamin Magalong ang pagpapalawig ng suspensiyon ng klase hanggang Mayo 31. Nilagdaan ni Magalong ang Executive Order 78 noong Miyerkoles, bago ang bakasyon sa Holy Week, na nagsususpinde sa mga klase sa lahat ng antas hanggang Mayo 31 lalo na sa pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa buong Luzon hanggang Abril 30 dahil sa COVID-19 pandemic.
Nauna nang sinusoinde ni Magalong ang mga klase simula Marso 17 hanggang Abril 13 nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon na praktikal na nagpapahinto ng mga klase sa lahat ng pampublikong paaralan at ilang pribadong paaralan dito.
Sa pinakahuling utos, kahit mga pribadong kolehiyo at unibersidad ay inutusan ding sarado sa panahon ng ikalawang semestre para sa academic year 2019-2020.
Sinusunod ng mga private education institution ang Enero hanggang Mayo na iskedyul para sa ikalawang semestre.
Sa pagdedeklara ng pagpapalawig ng suspensiyon ng klase, binigyan-diin ni Magalong sa kaniyang kautusan ang “remarkable steps that are being taken against Covid-19, we cannot be complacent and we must continue to be vigilant in the face of this emerging disease.”
Idinagdag niya na sa konsultasyon sa mga ahensiya ng gobyerno at pribadong ahensiya, isang kasunduan ang ginawa upang “panatilihin ang mahigpit na mga hakbang na ginagawa upang protektahan ang ating lungsod at ating bansa, ang suspensiyon ng mga klase na nakasaad sa Executive Order 65 (na naamiyendahan) ay dapat na palawigin pa.”
Nilagdaan ang EO 65 noong Marso 16 na nagdedeklara sa lungsod sa ilalim ng community quarantine at naamiyendahan isang araw kasunod ng ECQ sa buong Luzon. Nakapagtala ang Baguio ng 14 na kaso ng COVID-19 kung saan isa ang namatay at walo ang gumaling.
Sa EO 78, lahat ng mga aktibidad ng paaralan kabilang ang sports events ay praktikal na idineklarang hinto na kasama ang Baguio-Benguet Educational Athletic League and the Cordillera Administrative Region Athletic Association.
PML-PNA/PMCJr.-ABN
 
 

Amianan Balita Ngayon