Baguio tinatapos ang online tax payment, collection

LUNGSOD NG BAGUIO – Hindi na kailangang pumila ang mga taxpayer sa mga bangko at sa city hall upang magbayad ng kanilang real property o business taxes sa oras na ipatupad na ng pamahalaang lungsod ang online tax payment nito ngayong Hulyo ng taong ito.
Sinabi ni Alex Cobarrubias, city treasurer noong Martes na ang online rax verification system ng lungsod ay nakahanda na at ang integrasyon ng iba’t-ibang online payment providers ay ginagawa na.
“These will be ready once the online tax payment system of the city government will be rolled out,” aniya. Sinabi niya na ang mga magbabayad real property at business taxes ay maaari pang manatili sa kani-kanilang tahanan sa oras na maging operational ang online system.
Ang real property at business taxes ay mga transaksiyon na nagdudulot ng daan-daan kung di man libolibong tao na dumadagsa sa city hall bago matapos ang taon hanggang sa unang quarter ng
susunod na taon.
Sinabi rin ni Cobarrubias na ang parehong mga buwis ay nangangailangan ng bang mga resibo na handa na at maaaring bayaran sa lebelo ng barangay. Sinabi niya na kapunapunang ibinaba ng pamahalaang lungsod ang mga pila sa one-stop-shop ng City Treasury Office (CTO) sa pagtatalaga ng mga ingat-yaman sa 28 barangay upang mangolekta ng ilang bayarin.
Sinabi niya na sa ilalim ng kasalukuyang set up, ang mga barangay treasurers ay pinapayagang mangolekta ng mga bayad para sa community tax certificate, police clearance, professional tax receipt, working permit, garbage and sewerage fees bukod sa mga multa na ipinapatupad para sa paglabag ng anti-road obstruction order at anti-smoking.
Sa mga inobasyon at kaluwagan sa parte ng mga taxpayer, sinabi niya na umaasa ang pamahalaang lungsod na mahihikayat ang mga tao na bayarana ang kanilang mga buwis at magbayad sa oras. Samantala ay sinabi ni Jerry Guevarra, chief operations review unit chief ng city treasury office na nakapgtala ang lungsod ng 32 percent collection sa target revenue generation nito para sa taon, na itinaas ang pag-asa na makukuha ang financial resource upang mag-operate ayon sa budget.
“Maganda naman ang collection natin,” aniya. Bagaman sonabi niya na ang koleksiyon ng business taxes ngayong taon ay hindi maikukumpara sa nakaraang taon dahil ang bagong scheme na ipinapatupad para sa 2021 kung saan ikinalat ang pagbabayad sa business taxes sa tatlong buwan bilang “social distancing” measure.
Ang businrss names na nagsisimula sa mga letrang A hanggang H ay naitakdang magbayad sa Enero; mga letrang I hanggang P sa Pebrero, at mga letrang Q hanggang Z sa Marso. Ipinapakita sa record na hanggang Maeso 14, nakakolekta ang lungsod ng PhP608.6 milyon mula sa internal at external sources of income.
Inaprubahan ng pamahalaang lungsod ang isang 2021 annual budget na PhP1.9 bilyon. Ito ay 15 porsiyento mas mababa kaysa PhP2.25 bilyon operational budget para sa 2020. Nakakolekta ang lungsod ng PhP100.3 milyon mula sa real property tax; PHP106 milyon mula sa business taxes; PHP 27.2 milyon mula sa ibang taxes; PHP113.2 milyon mula sa ibang fees at charges; PHP10.6 milyon mula sa bahagi ng lungsod sa operasyon ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA); at PHP 251.1 milyon Internal Revenue Allotment.
Iniulat ng business licensing division ng lungsod na mayroong halos 800 negosyo na itinigil ang kanilang operasyon noong 2020 habang 485 negosyo ang pormal na nagsumite ng pagtigil ng negosyo nagyong taon, na magkakaroon ng epekto sa tax collectible.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon