Baguio tourists may subsidy sa COVID tests

BAGUIO CITY – Simula sa Abril 5, ang mga turista na magtutungo sa Summer Capital ay mabibigyan ng diskwento sa antigen tests na P350.00 na lamang mula sa subsidy na ipinagkaloob ng Tourism Promotions Board (TPB) ng Department of Tourism sa kabila ng reimposition ng istriktong of border controls na pinaiiral sa papasok sa lungsod na irpisinta ang kanilang negatibong resulta ng COVID-19 test.
Matatandaan noong Marso 19, ang siyudad ay nagisyu ng entry protocols sa mga travelers na mag-prisinta ng negative RT-PCR, Antigen test or Saliva test result na ginawa sa loob ng 72 hours prior sa pagpasok sa Baguio o’ iprisinta ang kanilang sarili sa antigen tests sa Central Triage – Baguio Convention Center sa halagang P500 para sa tourists-non residents at P350.00 para sa mga residente.
Nabatid kay City Tourism Operations Officer Engr. Aloysius Mapalo, tinatayang nasa 12,000 visitors ang inaasahang mabibigyan ng benepisyo mula sa subsidized antigen test na first come, first serve basis only, para makatulong sa gradually, safely, surely and responsibly opening ng local tourism industry.
Ayon kay Mapalo, nagawa ng city government na makakuha ng subsidy na P1.8 million mula sa TPB sa tulong ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat para sa agresibong marketing and
promotion ng local tourism industry na pinabagsak ng pandemya.
Aniya, kinakailangan magrehistro muna ang isang bisita sa www.visita.baguio.gov.ph para sa kanilang QR code at ang subsidy sa antigen tests ay maiaaplay pagdating nila sa central triage para masiguro na ang bawat bisita ay COVID free.
“Ang subsidy ay maiimplementa as long ang pondo ay available o’ hanggang sa maabot ang inaasahang bilang ng recipients mula sa data na magrerehistro sa VISITA online registration platform.”
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon