BANGUED, ABRA – Pinaulanan ng putok ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan, na pinaniniwalaang political partisan gunmen, ang bahay ng supporter ng mayoralty bet sa Barangay Pulot, Lagayan, Abra gabi ng Nobyembre 10.
Ang 50 anyos na si Jovie Miranda Sindon, magsasaka, kasama ang kaniyang pamilya at ibang mga bisita ay natutulog nang paputukan ng mga armadong kalalakihan ang kaniyang bahay bandang 10:30pm.
Wala namang nasaktan subalit natagpuan ng mga crime scene probers ang ilang bullet holes sa concrete walls ng bahay kaya natakot si Sindon, kaniyang pamilya at mga bisita.
Bigong mahuli ng Lagayan policemen ang gunmen subalit natagpuan nila ang anim na basyo ng bala ng cal. 7.62mm rile, siyam na basyo ng cal. 5.56mm rifle, limang basyo ng bala ng cal. .45 at tatlong deformed slugs ng hindi pa nakikilalang kalibre.
Ayon kay Abra police director Sr. Supt. Wilson Soliba, “it is a desperate move by whoever is behind it to make it appear that Abra is not peaceful”. There are spoilers of the relative peace in the province, dagdag niya.
Si Sindon ay supporter ni Lagayan mayoralty bet Edmarc Crisologo, anak ni Tineg Vice Mayor Edwin Crisologo.
Dalawang linggo bago nito, dalawang supporters ni Abra Governor Ma. Jocelyn Valera-Bernos ang napatay sa Dolores, Abra.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikilala ng mga otoridad ang gunmen sa likod ng nasabing insidente subalit ayon kay Valera-Bernos, kilala ng mga mamamayan ng Abra ang nasa likod ng pagpatay. A. ALEGRE
November 17, 2018
November 17, 2018
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024