Bakbakan sa Marawi, matatapos kaya?

Jun 4, 2017

Habang sinusulat ang espasyong ito, patuloy pa rin ang bakbakan sa Marawi City. Natural, patuloy din ang pagdami ng mga namamatay at nasusugatan. Kasama ring dumarami ang mga taong naiipit sa bakbakan. Di nila malaman kung saan kukubli at kung saan din kukuha ng makakain. Marami at darami pa ang problemang darating habang ang usok sa bakbakang yan ay di pa humuhupa. Kung sa puwersa ang usapan, tiyak di matitinag ang puwersa ng gobyerno dahil talagang mas malayong marami kumpara sa kakarampot na bilang ng kalaban. Pero bakit di natitinag ang kalabang Maute? Bakit tinatawag ngayon na Maute-ISIS? Ano ba ang tunay na kartada o kalagayan sa Marawi? Hanggang diyan na lamang kaya ito o tama ang pangambang baka kumalat pa ito? Sige, himay-himayin natin ire, hane?

******
Ang Maute ay nagmula lamang sa isang maliit na pamilya. Kung papano lumaki, saksi ang mga naging biktima nila at ang ating gobyerno. Kung may pagkukulang ang ating otoridad at lokal na pamahalaan, saksi rin ang nakalipas na panahon. Siguro, sa puntong ito, di na dapat ang sisihan. Nandiyan na sa labanan ang puwersang minaliit ngunit may ibubuga pala. Aba’y mantakin mong sa liit ng grupo nila (daw) ay nakapatay na sila ng mahigit sa dalawampung sundalo, tatlong pulis na may anim pang missing in action at maraming sibilyan. Kung kakarampot daw sila, ayon sa mga analyst, bakit umabot na sa mahigit sa isang daang Maute ang napapatay? At meron pang walo diumanong napatay na mga teroristang dayuhan. At di lang yan, may mga ulat pa na higit pa raw sa apatnapu ang mga dayuhang kasama sa mga Maute na tinutugis. Husme! Aba’y tama yata ang katawagang – Maute-ISIS sa grupong ito, di ba?

******
Habang sinusulat ang espasyong ito, nakasampung araw na ang bakbakan. Maraming tanong ang sumulpot: bakit hindi nauubusan ng bala ang kalaban? Hindi rin sila nauubusan ng pagkain at inumin? Bakit kayang sumabay ang kanilang armas o kagamitan sa gamit ng military at PNP? Ibig bang sabihin na matagal na nilang naplano ang eksena ngayon? Ibig kayang sabihin na totoo ang mga ulat na diumano ay pagsubok sa kanila ito upang pumasa sila sa timbangan ng ISIS upang mapabilang na sila dito? Kasi kung may galing pa sa ibang bansa bilang dagdag puwersa (o galing sa labas ng Marawi), papaano ito o sila nakakapasok sa war-zone? Kung totoong sila’y gumagamit ng snipers, di ba nasa alanganing posisyon ang mga tumutugis na sundalo at pulis? Wala na itong pinag-iba sa pelikula, di ba? Tuloy, sabi ng ilang maalam sa estilo ng bakbakan: upakan na nang upakan ng bomba sa lahat ng mga tukoy na kinaroroonan ng mga kalaban. E, papaano ang mga sibilyan?

******
Kamakailan lang, umupak ulit ang bombers ng air force. Anong nangyari? Mahigit sa sampung sundalo ang patay at marami rin ang sugatan kasi sumablay ang birada ng fighter plane ng gobyerno. Iniimbestigahan na ang nangyari. Tiyak, magkakaroon na naman ng sisihan at baka sibakan. Di ba katawa-tawa sa panig ng mga kalaban ang nangyari? Sarili mong puwersa ang iyong binibira at pinapatay sa halip na mga kalaban. Sa kabuuan naman ng Marawi City lalo na sa sentro nito, mistulang dinaanan ng World War 2. Lasuglasug ang mga kabahayan. Wala ng mababalikan ang mga residenteng nagsilikas. May pananagutan ba ang estado dito o bahala na ang taumbayan na magpasensiya at humingi ng awa? Yan ang larawan ngayon ng Marawi. Di lang parang basag na salamin kundi durog-durog pa. Kung kailan magwawakas ang trahedya ng bakbakan, Diyos na lamang nakakaalam. Abangan ang mga susunod pang kaganapan. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest