Bakuna….Darating na ba talaga?

Daplis Walang Mintis

Talaga bang darating na ang bakuna kontra Covid- 19? Yan ang laging usal ng ating mga kababayan sa ngayon. Noong una…ang laging nasa utak ay..meron ba talagang bakuna laban sa Covid? Saan galing? Aling nasyon ang gumawa? Ayos ba ire o baka naman dispalenghado? Yan at marami pang mga putak ang suma-utak ng mga Pinoy sa nakalipas na mga buwan. Aba’y mag-iisang taon na ang mga putak na yon, pards…pero ano na ngayon?

Iba na ang takbo ng panahon, mga pare ko. Kelan darating ang superbakunang kontra covid na ire? Para bang Superman, hane? Bigla na lamang babagsak sa lupa at hubo’t-hubad pa mandin? He he…hubad nga sana sa anomaly, pards. Yon bang walang dungis. Yon bang kung baga sa pagkain, para lang tsokolate na isusubo mo na lamang. Pero napakarami pang pero ang dapat tugunin dine.

Una, epektibo ba? Gaano kaepektibo? Hanggang kailan ang epekto nito? Wala ba itong masamang epekto sa tao? Baka naman epektibo pero pagkatapos nito ay magiging DULING ka naman? Epektibo nga ito pero tutubuan ka na naman ng pagkalaki-laking boobs sa dibdib kahit lalaki ka? Oh, my Susmaryusep huwag na lang! O baka naman gumaling ka sa Covid-19 pero magiging bu-ang ka naman o kaya’y temang! Huwag na lang . Pards. Sabi nga ng isang mekaniko…di China-made ang bibilhin kong ball-joint basta’t tatakbong limpeyo ang sasakyan ko. He he…China – made na naman ang usapan.

Di baleng gawang China basta’t, ayos..okey lang. Anong ayos? AYOS lang na masira basta’t ISULI ang bayad. Sa ibang bansa…nagsimula na silang magbakuna. Dito sa atin, nakatunganga pa ring
naghihintay ng awa ng bakunang ire. Sabi nga nila: kumo ba mahirap lang ang bansang Pilipinas ay inuuna muna ang mga malalaki at mayayamang bansa? Ibig bang sabihin palakihan ng teritoryo?

Sinalbag nga sinal-it! ang liit na nga ang teritoryo natin…inaagaw pa ng iba. O, itanong ninyo sa China, ehe, bakit napasok muli si ball joint! Ah, basta. Kung sa agawan at takutan…sila ang laging nasa kukuti ni Pinoy eh. Oh, di ba may ulat kamakailan na tinakot dawng mga coast guard nila ang mga mangingisda natin sa West Phil. Sea? Bakit kaya? Di ba natin kayang takutin ang mga dilaw na ire? Anong panakot natin? Yon ang problema. Eh, kung galing kaya ang bakuna sa kanila laban sa Covid-19? Yon ang puwedeng katakutan (daw)..he he!

Di pa limot ang nangyari sa Norway. May nabakunahang mga damatan, mga senyor baga. May mga natepok. Maryusep. May tatak ang bakuna. Yon pa naman ang isa sa mga hinihintay nating dumating. Sakaling dumating, may mga senyor pa kayang magpapabakuna? Ewan sa inyo. Pero, ako..he he..bakit, senyor na ba ako? Oy, junior pa ang blood ko, tse. Pero teka lang, pards…talagang malapit na raw dumating si Mr. Vaccine.

Ang isa sa maganda raw o dekaledad ay ang Sputnik V ng Russia kasi abot sa 92% ang galing, sabi ng mga eksperto. Ang malaking pero ay ito…mauuna pa raw darating ang ibang mga bakuna gaya ng galing sa China. Bulong ng pinsan kong magbabalot….sa balot at pinoy muna raw siya habang wala pa si Sputnik. Sabagay…may karapatan tayong pumili, di ba? Kung tatak balut, este Russia, ang gusto, di yon. Kung tatak Sikwa o Tokwa, di siya. Basta sa amin…ke ano pang tatak, basta’t totoong nakakagamot o nakakatulong laban sa Covid- 19…sige na.

Ang malaking tanong ay ito: Kung sakaling nabakunahan ka na…di ka na ba tatalaban ng virus ni Covid? May demonyong bumulong:eh, kung nabakunahan ka, pards at naging Adonis ang hilatsa mo at naging lapitin ng mga Tahong….say mo? He he..para Safe pards…sa TALABA na lang ako! Kaya ang tanong… kaylan darating ang talaba o tahong? Adu pay RUTONG na! Adios mi amor, chiao, mabalos!