ANG PANDEMYA ay naririto pa sa atin, patuloy na nananalasa, patuloy na binibigyan ng pangamba ang mga Pinoy.
Hindi katulad ng mga naunang buwan at taon, tayo naman ay tila hindi nababahala. Anuman ang variant na nandyan, na iba’t iba ang pangalang ibinibinyag, dedma pa rin tayo, hindi gaanong kinakapitan ng takot, tuloy ang lakad ng buhay tungo sa bagong normal.
Nitong unang tatlong buwan, nanalasa si Omicron, na dali-daling sinundan ng ibang sibol na variant. Dedma pa rin tayo. Tuloy ang agos ng pagsulong at pag-ahon. Mismong mga eksperto na rin ang nagbigay ng pang-pakalma na not at risk na ang Pinas.
Kaya naman, pati ang mga booster shot na una at panghalawa ay tila naubusan nan g mga brasong dapat ay iniaasta, maturukan lamang. Ilang araw na rin na marami pa ang mga dailir sa kamay at paa ang bilang ng mga nagpapabakuna.
Ilang araw ng parang lumang pelikula ang palabas, at ang mga parukyano ay matumal ang dating. Parang napanood na, parang nadaanan na ang karanasan na makapanood ng pelikulang paulit-ulit ng ipinalalabas.
Langaw, ang tawag ni Barberong Paborito sa ganyan. Kampante si Pinoy na mairaraos din ang laban kontra covid.
Aba eh, mantakin mong lampas dalawang taon ding mahigpit tayong nilulupig ni covid, pero dahil Pinoy tayong tsamyon sa katapangan, hayun, nagsawa si Delta, at sa isang iglap nitong Oktubre 2021, kanyan namang isinilang si Omicron, higit na mabilis makahawa, gayung kulang naman sa bagsik ke Delta.
Kaya ngayon, kandaugaga ang mga pangunahing abala upang mairaos na ang booster shots sa higit na mas marami pang
naturukan. Kung nasa 75 milyon na ang babakunahan ng primary shots, bakit nga ba ang booster ay naituturok pa lamang sa 12 milyon. Anyare?
Nang magpaturok ako ng booster 2, wala ngang gaanong pila. Limang minute lamang, nairaos na. Sa kaliwa o sa kanang braso, ang matiwasay na tanong ng taga-turok. Sagot ko naman na pangiti, ang 2 doses na aking natanggap, ay sa kaliwang braso. Ang unang booster na itinurok, sa kaliwa rin. Mukhang swerte dyan, kaya doon na rin.
Ilang buwan ding tayo ay wina-warningan ng mga eksperto kung gaano kabilis makahawa ang subvariant na inaamin ng ating mga abala na kailangang maiwasang makahawa. Kaya naman, bilang law-abiding at health conscious tayo, dali-dali namang ating binisita ang vaccination center.
Sana naman, yung mga kwalipikadong magpa-booster shot, humayo na at magpaturok. Walang kapila-pila, di tulad
nang ang bakunahan ay para sa unang dalawang doses. Makapipili ka pa ng ibabakuna sa iyo — Moderna, Pfizer, Aztra Z at Sinovax.
At pinakaimportante: walang bayad ang pagpapaturok, maging sa halaga ng itinuturok sa iyo. Side effects? Sisiw na sisiw. Ilang oras lamang ang pananakit ng brasong naturukan. Sisiw talaga. Aliwan muna, habang nagmumuni-muni ka kung magpapaturok na. Usapang pulitika muna.
Ang sabi nga ng mga nagwagi, “Hit the ground running!” Sa madaling salita, trabaho na, o sa mga hindi pa naman atat na atat, dahil panalo na nga at naiproklama pa, balik sa dating gawi, sa trabaho, sa inspeksyon ng mga proyekto, sa pamamahala ng serbisyong gobyerno na halos ay bumingi sa atin nitong nakaraang eleksyon.
Hindi maikakaila na matindi, lubhang matindi, ang mga susunod na araw at taon ng muling pagbangon. Ganito dapat ang mapanatili: lakasan ang loob. Patibayin ang dibdib. At parating isaisip ng mga nanunungkulan ang bigat ng mga hamon.
Trabahong nawala, negosyo napurnada, ekonomiyang nalugmok, serbisyong abot-langit ang pangangailangan na maiangat. Sa mga hindi pinalad, balikbuhay na! Ang tatlong taon ay napaka-ikli. Pag-gising mo sa mga susunod na araw, kampanyahan na naman.
Ang mahalaga, ating pagtulungang maibalik ang tiwala ng sambayanan sa gobyernong tapat, sa serbisyong seryoso, at sa pamumunong ramdam ang karakter, ang kakayahan, at ang katapatang matupad ang pagiging maayos na lungsod.
Sana naman, ang pamamahala ay maging kasingtulad ng mga mabibilang na lugar na matino, matalino, at matapat. Merong platapormang sinusunod at binabantayan upang maisagawa ng buong husay. Hindi para maiangat ang kapakanan ng iilang dati ng mayroong pribilihiyo. Bagkus ay ilaan ang mga gagawin upang AngatTayoBaguio!
Sige na, balik normal na nga. Balik-sigla, balik enerhiya, balink kunsumisyon sa mga bumabalakid, balik-galit sa mga tiwaling kaganapan na alam naman ay misteryo ng anumang panahon. AngatTayoBaguio! Usapangseryoso!
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
August 31, 2024