BALIKATAN SA PAGITAN NG PHIL-US NAGSAGAWA NG INVASION DEFENSE DRILL SA ILOCOS NORTE

LAOAG CITY, Ilocos Norte (PIA)

Mas pinaigting pa ang isinasagawang invasion defense drill sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng United States Forces sa counter –landing exercises na isinasagawa sa La Paz Sand Dunes sa Laoag City sa lalawigan ng Ilocos Norte noong Mayo 6, 2024 bilang bahagi ng Balikatan Exercise 2024. Ang counter-landing livefire drill ay isang estratehiya ng military para ideploy ang kanilang infantry at artillery na nakaposisyon sa mga boundary ng bansa ito ay upang hinid agad makapasok ang sinumang mananakop sa isang bansa.

Umabot sa 200 sundalo mula sa AFP at US Forces ang nagsagawa ng depensa gamit ang mga makabagong armas gaya ng Self-propelled howitzer, caliber rifles, machine gun Javelin anti-tank missiles, multipurpose anti Armor, AntiPersonnel weapon system laban sa mga forces na sasakop sa bansa sa dakong Ilocos Norte. Pinalubog din nila ang isang floating pontoon na kunwari ay barko ng mananakop na sinibukan na dumaong sa nasabing pantalan ng lalawigan.

Ang nasabing simulation ay ginawa sa pamamagitan ng live virtual construct at mga utilized Airbone Unmanned
Aerial System (UAS) upang makita agad ang mga target. Ayon kay US Marines Lt. Gen. Michael Cederholm, commanding general ng I Marine Expeditionary Force, ipinahayag niya na ang mga isinasagawang drill exercises ay
upang mapalakas ang depensa ng mga military ng AFP at ng US Forces ng bansang Pilipinas at Amerika. “We don’t do this for any third-party and we don’t do this for messaging.

We do this to create interoperability, readiness, integration on such capabilities and being able to command and control, set the battle space, deploy fires, move about, practice mobility, and all the things we planned for this exercise,”paliwanag pa ni Cederholm. Idinagdag pa niya na ang Balikatan exercise ay isang pagpapatibay ng military
cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na kapwa nagbitaw ng kooperasyon upang mapanatili ang kaayusan ng bansa.

Samantala ayon naman kay Maj. Gen. Marvin N. Licudine, Balikatan Executive Director ng Pilipinas sinabi niya na ang isinasagawang military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ay upang madagdagan pa ang kaalamang pang military ng mga sundalong Pilipino upang maprotektahan ang bansa at ang sambayanang Pilipino laban sa mananakop. “On our part in the AFP, we have improved intellectually and raised the level of competence of our soldiers and officers leading our armed forces.

Certainly, there are improvements now compared to last year and the past 38 years. We already talked with our partners here, General Cederholm, on how we will develop the next Balikatan exercises,” ani Licudine. The Balikatan exercises in the province will culminate with a maritime strike drill ayon kay Licudine sa darating na Mayo 8, 2024 ay ang kulminasyon ng Balikatan 2024 na magsasagawa sila ng pag-atake sa isang decommissioned na Philippine
navy ship sa La Paz beach.

(JCR/MJTAB/EJFG/KALGB, PIA Region 1-Ilocos Norte)

Amianan Balita Ngayon