Bandalismo ng mga kabataan, tignan ang mas malalim na dahilan

Jan 11, 2019

Mukhang nahihirapan pa rin ang lokal na gobyerno ng Baguio sa kampanya laban sa illegal graffiti at vandalism lalo na sa mga barangay, patunay ang walang-takot na pag-spray ng mga pintura ng ilang kabataan sa ilang sasakyan sa Barangay Brookside at mga karatig barangay kamakailan lamang. Ginawa ng mga batang ito ang pag-vandal sa madaling araw kung saan tulog na tulog ang mga residente. Ang nakakalungkot pang katotohanan ay mga bata, mga menor de edad ang mga sangkot na kung tutuusin ay dapat nasa mga bahay lamang ang mga ito na natutulog at nagpapahinga sa ganoong mga oras.
Sa kabila ng pinaigting na kampanya ng pamahalaang lungsod laban sa graffiti at vandalism sa Baguio ay tila nalulusutan pa rin sila. Katunayan, sa nakaraan ay binigyan ng awtoridad ni Mayor Domogan ang mga Punong Barangay at mga miyembro ng barangay council na protektahan ang kanilang sariling nasasakupan laban sa bandalismo sa pamamagitan ng kaniyang Administrative Order No. 020 na naka-angkla sa city ordinance no. 41, series of 2008 o ang Anti-Graffiti Code of the City of Baguio.
Nagkaroon din ng mga lectures at trainings sa mga volunteers mula sa mga barangay upang lalong makatulong sila sa kampanya laban sa graffiti vandalism. Nakakalungkot pa rin na isipin na mayroon ngang CCTV sa barangay at nakunan “in real time” ang mga ginawa ng mga bata na maaari sanang nasawata na sila sa pagkakataon ding yun kung may mga opisyal ng barangay na nakatao sa mga CCTV.
Maraming katanungan kung bakit ginagawa ng mga kabataan ang bandalismo, may mga dahilan, may mga pinagmumulan kung bakit nasasangkot ang mga kabataan dito. Ang mga batang sangkot ba ay nag-aaral? Baka may mga probema sila sa kanilang mga pamilya? O baka naman nababarkada sila sa masasamang tao at kabilang na sa mga gang o fraternity? Bakit sila nakakakuha o nakakabili ng mga spray paint na dapat ay may regulasyon ng gobyerno?
Hindi natin lubos na masisisi ang gobyerno sa paglala ng bandalismo, ang kampanya laban dito ay laban at dapat pagtulungan ng lahat – gobyerno, barangay, pamilya, mga pribadong grupo, simbahan, paaralan at buong komunidad. Dahil kapag hindi ito natugunan nang maayos at maagapan ay hindi lamang perwisyo sa mga may-ari ng sasakyan, mga may-ari ng mga bahay, at magiging pangit ang imahe ng lungsod kundi masisira ang buhay at kinabukasan ng mga kabataang nasasangkot sa mga gawaing ito. Hindi sapat ang multang P1,000 hanggang P5,000 o pagkakulong bagkus ay dapat pagtuunan ng pansin ang kabuuang kalagayan at kapakanan ng mga kabataan.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest