Bangkay, natagpuan sa Baguio

Nananawagan ang mga pulis sa sinumang nakakakilala sa isang bangkay ng lalaki na natagpuan sa Crystal Cave Barangay sa Marcos Highway upang makipag-ugnayan sa tanggapan ng Baguio City Police Office Station 5. Ang bangkay ay nakita noong Setyembre 25 at tinatayang nasa 20 hanggang 25 anyos, may taas na 5’2″, nakasuot ng itim na slacks at sapatos at gray na t-shirt at may blue na sling bag. MARK JOSEPH PICANA

Amianan Balita Ngayon