Bangkay ng lalaki, natagpuan sa jeep

Natagpuan ang walang nang buhay na katawan ng isang lalaki sa loob ng nakaparadang pampasaherong jeep bandang 7:30am ng September 17, 2017 sa Sta. Escolastica Barangay, Baguio City.
Natagpuan nina Aaron Brian Santillan Costales, 22 anyos, single at isang Earvin Jimenez, nasa legal age, pawang residente ng nasabing barangay, ang walang buhay na katawan ng isang lalaki na nakasuot ng green sweatshirt at black maong pants sa loob ng nakaparadang pampasaherong jeep.
Kinilala ang bangkay na si Eric Galuzo Eserio, 48 anyos, single, electrician at residente ng Purok Magsaysay, Loakan Proper, Baguio City.
Napag-alaman na ang biktima ay nagpunta sa burol ng kanilang family friend sa nasabing lugar at nang makaramdam ng antok, humingi ng permiso ang biktima upang umuwi.
Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga kasama, nagpunta at nakatulog ang biktima sa loob ng nakaparadang sasakyan kung saan ito natagpuang walang buhay.
Rumesponde ang mga miyembro ng Rescue 911 at inihayag ang kanilang obserbasyon na “stiffening of all extremities and colds, blood pooling in the upper and lower extremities and has a negative pulse and breathing”.
Sa karagdagan, ang mga personnel ng Station 4 ng BCPO ay nakipagtulungan sa SOCO personnel na agarang rumesponde at nagproseso sa pinangyarihan ng insidente. Pagkatapos ay dinala ang bankay sa Baguio Memorial Chapel na sinamahan ng family members ng biktima.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon