‘Bantay COVID’ Platform inihanda nang Lungsod para sa home quarantined cases

Metro BLISTT

LUNGSODNGBAGUIO – Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na inihahanda na ng lungsod ang telemedicine digital platform nito na ‘Bantay Covid’, na gagamitin upang mapagsilbihan ang mga pasyente ng lungsod na nasa ilalim ng home quarantine dahil sa coronavirus-2019 disease.

Sa isang media forum noong Enero 11 ay sinabi niya na isinagawa angmga trainings bandang hulihan ng nakaraang taon para sa mga naatasan na hawakan ang application na itinulad sa kasalukuyang program ng Quezon City kung saan ang mga volunteer doctor, sa pamamagitan ng digital technology, ay nakikipag ugnayan sa mga naka-home quarantine na mga tao.

Sinabi ng mayor na ang libreng digital program ay na modify upang umangkop sa mga pangangailangan ng mga residente ng Baguio at pinamumunuan ng Health Services Office sa pakikipatulungan ng Management Information and Technology Division ng Office if the City Mayor at ng Baguio-Benguet Medical Society.

“What’s nice about this is that many doctors have already volunteered for the program and more are willing to join as part of their community social responsibility. This is a perfect example of ‘volunteerism’ and the ‘bayanihan spirit’ at work,” aniya.

Sinabi ng mayor na ang sistema ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga nasa ilalim ng home quarantine na makipag-ugnayan sa mga doctor at damahin ang malasakit ng lokal na gobyerno at dadanap din ito bilang isang monitoring device na suriin ang kanilang progreso at paglikom ng mga wastong datos.

Sinabi niya na dahil kulang ang lungsod ng sapat na isolation at quarantine facilities upang tugunan ang inaasahang pagdaluyong ng mga kaso dulot ng Omicron variant, home quarantine ay nilulubos para sa mga asymptomatic, mild o moderate cases.

(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)